Jadine, ‘di nakikipagkumpitensiya sa Kathniel

ADVERTISING

Jadine, ‘di nakikipagkumpitensiya sa Kathniel

Kathryn-Bernardo-Daniel-Padilla Nadine-Lustre-James-ReidCERTIFIED KAPAMILYA na ang Viva Princess na si Nadine Lustre habang balik-Kapamilya naman ang ex-PBB Teen Housemate Grand winner na si James Reid na pumirma ng kontrata last Tuesday.

Part daw ng pinirmahang kontrata nina James at Nadine ang pagkakaroon ng teleserye sa ABS-CBN. Idinagdag pa ng young actress na hindi sila nakikipagkumpitensiya sa Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) loveteam dahil trabaho lang daw ang hanap nila at hindi ang pakikipagkumpitensiya sa iba.

Happy nga raw ito dahil tumabo sa takilya ang kanilang movie ni James na Talk Back and Your Dead na balitang mas malaki ang kinita sa nauna nilang pelikula na Diary Ng Panget. ‘Di pa nga raw natatapos ang pagpapalabas ay may next movie na ang inihahanda para sa tambalang Jadine.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING