Jade Lopez: The Talented Avenger Rises!

ADVERTISING

Jade Lopez: The Talented Avenger Rises!

Jade-LopezANG UNANG batch ng Starstruck ang masasabi nating pinaka-markado sa showbiz. Hindi maipagkakaila na during their heydays, halos lahat ng bagets sa Pilipinas ay may bet kung sino ang crush nila sa boys at kung sino ang idol nila sa girls.
Isa si Jade Lopez sa female contestants na nakapasok sa unang batch ng programa. Nagpakitang-gilas na ito sa first few days lalo na sa sayawan. Binigyan pa nga siya ng title na “JLo ng Starstruck” dahil todo-bigay ito kung umindak. Pagdating sa dramahan din ay nakitaan din siya ng potensIyal. Not necessarily as bida, but her striking features make her a perfect kontrabida sana.
Maraming predictions ang showbiz insiders sa tatahakin ng Starstruck graduates sa showbiz. Meron na silang bet para sa kiligan, dramahan, at tawanan. Jade was the fourth avenger to be evicted, pero nabigyan din ito ng samu’t saring TV shows tulad ng SOP Gigsters, Love To Love, Fans Kita, Ganda Ng Lola Mo, at Stage 1: The Starstruck Playhouse. Nalinya ito sa pakuwela roles dahil na rin sa affiliation niya sa then boyfriend na si Christian Esteban.
Unlike her fellow avengers na kinarir ang break nila sa showbiz, tila mas pinili ni Jade na makatapos muna ng pag-aaral. Kumuha ito ng kursong Psychology sa San Beda at dumalang na ang TV and movie projects na tinanggap niya. She made her way by reading academic books while her kasabayans were busy memorizing lines for their entertainment-related projects. In fairness, nakatapos naman si Jade on time and her fellow avengers, specifically Katrina Halili and Cristine Reyes climbed their way to the top with their sexiness and undeniable talent.
Jade could’ve gone the same route, pero napansin namin na hindi ito masyadong comfortable sa ‘sexy’ route. She appeared on FHM Philippines years ago alright, pero hindi kineri ng dalaga ang mga offers sa kanya, na nagre-require to bare more skin.
Just last June, nagsulat ito ng madamdaming post sa kanyang blog na http://www.jadelopez.net tungkol sa frustrations niya sa showbiz. Naka-graduate nga siya ng college, pero alam niya na deep inside, she wants to act and perform in front of the camera.
Call it timing, bigla itong pinasok sa My Faithful Husband, na namamayagpag at nagpapa-high blood tuwing gabi sa GMA. This serves as her reunion project with fellow Starstruck classmate Jennylyn Mercado. Pasulpot-sulpot lang ang character niya the first three weeks, pero may mga bonggang scenes na ito bilang Doyee recently. Sunud-sunod din ang tweets ng mga manonood about how effective she is sa kanyang portrayal and her screen presence. Loyal Starstruck fans wish na sana’y magtuluy-tuloy na ang kanyang showbiz projects.
Nagbida ito sa episode ng Relasyon noong Saturday na pinamagatang “Sulot” with Gio Alvarez at Kiko Matos. Nag-trending ang nasabing episode at napatunayan ng dalaga na kaya naman niyang magdala ng show as long as they give her the right projects. Give her meaty roles!
Just like what’s happening sa career ng Starstruck alumni na sina Paulo Avelino at Arci Muñoz sa Dos, we hope na hindi pa huli ang lahat for Jade Lopez to finally be visible with big projects sa kanyang home network. Maraming susuporta!

ADVERTISING

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING