Jade Lopez excited nang makilala at makapiling ang baby # 2!

KATULAD ng kanyang kapwa Starstruck batch mate na si Jennylyn Mercado, excited na rin si Jade Lopez na makilala at makapiling ang kanyang Baby #2 ngayong buwan ng mga puso.

Maituturing na ‘pandemic momshie’ si Jade Lopez dahil pinalaki niya ang panganay na si Rinoa. How’s your second pregnancy and how different is it nung pinagbubuntis mo si Rinoa?

Jade Lopez excited nang makilala at makapiling ang baby # 2!
Jade Lopez

“Mas okay siya in the sense na I know what to expect from paglilihi, mga morning sickness to changes in the body. Ang mahirap lang ngayon is may pandemic so limited ang movements compared to when I was pregnant kay Rinoa na kung saan-saan ako nakakapunta. Tapos nagka-covid pa kami during the delta surge while I was about five months pregnant.’ share ni Jade.

May idea na ba si Rinoa na she will be an ‘Ate’ na? May gender reveal na ba?

We always tell her na ‘look, your baby brother is in mama’s tummy!’ tapos ipapahawak namin sa kanya belly ko and then sasabihin niya ‘baby’. Hehehe. Pero I don’t know kung naiintindihan or na-feel ba niya.  Sinasanay na rin namin na Ate Rinoa ang tawag namin sa kanya. We will have a baby boy!

Pinaglilihian ngayon ni Jade ang mga carbs lalo na ang mga pizza. Sigurado naman na ibu-burn agad ‘yan ni Jade pagkatapos magrecover from giving birth.

Pagdating naman sa kanyang married life ay mukhang happy and content si Jade kay Rocky Siccion.

“Married life has been good to me. Siguro kasi I have the best husband!” Jade proudly says.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career ay tila hindi nagmamadali ang Kapuso actress and Starstruck alumna na magbalik-showbiz after giving birth.

“Ooooohhh mukhang hindi pa. Mag-hands on muna ako sa baby hanggang sa mag-one year old siya. No yaya din muna tulad ng ginawa ko kay Rinoa.

In touch pa rin siya sa kanyang kapwa-Starstruck moms through chat, pero wala pang nakikitang kaibigan si Jade since the pandemic started – whether showbiz or non-showbiz.

Habang buntis ay pinagbibisihan ni Jade ang pag-aalaga kay Rinoa. Nag-aral din ito ng Korean language na malaki ang impluwensya ng BTS at mga K-Dramas.

Hihintayin namin ang pagbabalik showbiz mo, Jade! For the mean time, karirin mo muna ang pagiging butihing ina at asawa.