Jaclyn Jose is hurting with what happened to daughter Andi Eigenmann

ADVERTISING

 Jaclyn Jose is hurting with what happened to daughter Andi Eigenmann

 Jaclyn Jose is hurting with what happened to daughter Andi Eigenmann HINDI PINANGALANAN NI Jacklyn Jose kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Andi Eigenmann. Ito ay sa kabila ng maingay na usap-usapan sa buong showbiz two weeks ago pa, na diumano’y ang nakabuntis sa magandang young actress ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Miss Laarni Enriquez.

Maingat magsalita si Jacklyn, pero sa kalungkutan ng kanyang mga pahayag sa ngayon, lumilitaw na ang isa sa malaking problema sa sitwasyon ni Andi ay hindi nga niya makakasama sa ngayon ang daddy ng kanyang magiging baby habang lumalaki ang kanyang tiyan.

Hindi na kami nangulit sa nirerespeto naming ta-lent manager ni Jacklyn na si Kuya Ed Instrella, dahil kapag mayroong delikadong isyu tungkol sa kanyang mga Alagang artista, marespeto naman siyang nakikiusap sa amin, na wala muna siyang sasabihin.

“Sa simula pa lang, hindi ako nakikialam sa career ni Andi. Kay Jacklyn lang ako,” sabi lagi sa akin ni Kuya Ed kapag nagpaparating ako sa kanya ng mga negatibong balita tungkol kay Andi. Pero tiniyak sa akin ni Kuya Ed na talagang bilang ina ay sobrang nasaktan si Jacklyn sa nangyari sa kanyang anak.

ADVERTISING

Hindi isyu rito na sayang ang movie career ni Andi, dahil sikat na sikat na siya. Mahal na mahal siya ni Jacklyn, at kesehodang huminto sa pag-aartista ay maitataguyod siya ng mahusay na aktres. Tinatapos na lang daw ang mahahalagang eksena ni Andi sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN, dahil kailangan na nitong magpahinga, kasi nga, mahigit four months na ang kanyang ipinagbubuntis.

 

NAKATANGGAP AKO NG mensahe mula sa brother ni yumaong director Joey Gosiengfiao, na si Mr. Manuel Gosiengfiao, sa pamamagitan naman ng text sa akin ng kanilang kamag-anak na si Mr. Jun Macarubbo. Isinapelikula nga kasi ngayon ng Regal Films ang isa sa pinakamagandang pelikulang nagawa ng namayapang director, ang Temptation Island na ipinagmamalaki ngayon ng prodyuser na si Mother Lily Monteverde. Lalo pa’t ang nabanggit ngang unang bersiyon ng movie na ito ay bukambibig sa showbiz nu’ng kasikatan nina Dina Bonnevie at ng namayapang aktor na si Alfie Anido.

Wika ni Mr. Macarubbo, mayroon daw ka-ramdaman ngayon si Mr. Manuel Gosiengfiao. “Kunsiderasyon lang siguro mula kay Mother Lily na maalaala ang pamilya ni Direk Joey, lalo pa nga sa panahong ito na ang Temptation Island ay isinapelikula ulit,” wika sa text ni Maca-rubbo na ipinarating sa akin.

Na siyempre pa, hindi pupuwedeng hindi makilala ni Mother Lily si Macarubbo, dahil madalas din naman noon si Macarubbo sa Regal Films Office sa Valencia Street, kasi nga, lagi siyang karay-karay ni Direk Joey nu’ng nabubuhay pa ito.

Sa totoo lang, sobrang masaya ngayon at malambot ang puso ni Mother Lily dahil sa dami ng blessings na dumarating sa kanyang buhay. Patok ang iba pa niyang mga negosyo, at ang mga pelikula naman niya ay kumikita lahat ngayon.  Sobrang busy si Mother, at tiyak na makakarating sa kanyang kaalaman ang tungkol sa punto ni Mr. Manuel Gosiengfiao. Pormal lang siguro na dapat magkaharap sila ni Mother Lily para magkaintindihan sila.

Kasi nga, sobrang busy si Mrs. Monteverde sa ngayon, dahil sa promo ng bago nilang pelikula. Ang dami niyang taong kinakausap maya’t maya, kaya ngarag din si Madera.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING