Jaclyn Jose, hinihintay na ang buwelta kay Albie Casiño

Jaclyn Jose, hinihintay na ang buwelta kay Albie Casiño

Albie-Casino-Jacklyn-JoseLIKE THE mythical dragon, Jaclyn Jose will surely spew fire again at Albie Casiño, ex-dyowa ng kanyang anak na si Andi Eigenmann, na tila binuhay ang love triangle scenario sa kanila ng dalagang ina at ni Jake Ejercito.

Sa pocket presscon ng weeklong na Wattpad Presents A House Full of Hunks ng TV5—that ends tonight—muling naungkat ang tungkol sa tatsulok nilang ‘yon but, “This is going to be the last time I’m going to talk about it… it was me and Jake all along.”

Kaya nga raw nagtataka si Albie why some people were quick to assume na sa kanya ang ipinagbubuntis noon ni Andi. But if he had a price to pay for not coming forward para umaming siya nga ang tatay ng bata, ito ‘yung epekto nito sa kanyang estado sa ABS-CBN.

Pero kambyo ni Albie, “At least, I was given the time to continue my studies.” Ito rin ang kanyang ipinagpapasalamat sa kunsiderasyong ibinibigay sa kanya ng TV5 although he’s not (yet) a certified Kapatid artist kundi on a per project basis.

Samantala, Andi seems to have moved on. Ang bagong iniuugnay sa kanya na si Bret—who happens to be Albie’s friend—must be nursing her bruised heart. “Kung du’n sila happy, then I’m happy for them,” sey ni Albie.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III