Jaclyn Jose, ayaw makialam sa lovelife ni Andi Eigenmann

ADVERTISING

Jaclyn Jose, ayaw makialam sa lovelife ni Andi Eigenmann

Andi-Eigenmann-Jaclyn-JosePAGDATING SA personal life ni Andi Eigenmann, hindi nakikialam si Jaclyn Jose. Nasa tamang edad na raw ang kanyang anak para magdesisyon sa kanyang sarili. Bilang isang ina, busog sa pangaral ang anak. Palagi siyang nakaalalay tuwing nagkakaproblema itong si Andi. Kung nagkakamali man ito, may natututunan sa bawat pagsubok na dumarating sa niya buhay.

Tulad ng pakikipag-relasyon ni Andi kay Jake Ejercito, puring-puri ni Jaclyn ang binata. Nakita raw kasi niya kung papaano ipinaglaban ni Jake si Andi sa pamilya nito kahit hindi boto sa anak niya. Hindi na bago para sa actress ang away-bati nina Andi at Jake, normal lang daw ‘yun sa magkasintahan.

Sa takbo ng relationship nina Andi at Jake, madalas daw lumabas ang pagkamaldita ng young actress. Ang pagiging possesive nito at pagiging nagger kaya’t kung minsan nauuwi sa break-up ang kanilang relationship.

Marami ang nagsasabi na gumigimik lang daw si Andi na hiwalay na sila ni Jake para mapag-usapan. Agad na nilinaw ni Jaclyn ang issue na ito. Walang  raw dahilan para gawin ni Andi ‘yun para mapag-usapan. Napaka-straight forward daw ng anak niya. Sasabihin daw nito kung ano ang gustong sabihin.

ADVERTISING

“Kung galit si Andi, totoong galit ito. Kapag happy siya, it’s show in her face that she’s really happy. Walang pagkukunwari, totoong-totoo sa sarili kaya kung minsan nami-misunderstood siya ng ibang tao,” say ng magaling na actress.

Kung minsan, hindi nagkakaunawaan sina Andi at Jake, nasa period of adjustment ang kanilang relationship kahit years na rin silang mag-dyowa. Kahit nga maagang nagkaanak ang actress, hindi naging hadlang para totoong mahalin ito ng binata. Tanggap ni Jake ang buong pagkatao ni Andi kahit tutol sa kanila ang mother niyang si Laarni Enriquez.

Bibilib ka raw kay Andi, kahit may mabigat na problema ito, nadadala niya. Hindi naapektuhan ang trabaho kapag taping or shooting na ito. Ayaw nitong maapektuhan ang kanyang trabaho. Kailangan nitong magtrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING