Jaclyn Jose ayaw maging hadlang sa pagsikat ng ibang sexy stars

Leo Bukas

AYON SA Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose may  dahilan kung bakit mabait siya sa mga baguhang sexy star na nagsisimula pa lang ang career sa showhibiz tulad ni Cloe Barreto na bida sa pelikulang Tahan under the direction of Bobby Bonifacio Jr. Ayaw daw kasi niya maging hadlang sa pagsikat  at pag-unlad ng career ng ibang tao.

Jaclyn Jose ayaw maging hadlang sa pagsikat ng ibang sexy stars
Jaclyn Jose

“I do not judge actors who cannot deliver well. I’ve been here  for so long. Alam ko kapag magtatagal ang artista. Hindi na ako ang magsasabi non, ang tadhana na. You just have to be nice, help and let them deliver.

“Kasi kapag tatakutin mo, anong mangyayari? Take four, take five, take ten? That will not work. Lalo silang nenerbiyosin, lalong matatakot, lalong hindi makaka-deliver. Papaano kung may potensiyal, natakot lang kaya hindi naka-deliver?” katwiran ng multi-awarded actress.

Patuloy niya, “Sa part ko, I wanna be positive as I can be kasi marami na tayong pinagdaanan. Alam natin na o dati ito ganito, ngayon, star na. You just have to give them a chance. Huwag kang maging hindrance sa kanilang pagsikat o kung anuman ang puwede nilang puntahan.

“I am very welcoming to new actors because, sabi ko nga, I once was there. Nanggaling ako diyan sa simula, sa sexy films, sa pagiging bagong artista. At walang nag-block sa akin to go on, so I’m giving back lang din naman what Tita Charito Solis had given me and all the senior, veteran actors before me.”

Jaclyn Jose ayaw maging hadlang sa pagsikat ng ibang sexy stars
Jaclyn Jose and Cloe Barreto

Masuwerte nalang din daw siya na during her time ay nahawakan siya ng mga  mahuhusay na director tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Chito Rono.

“Actually, I can see myself kay Cloe when I was starting pa lang in 1987 sa Private Show where I played a torera. Like her, I’m just quiet, focused lang ako sa work ko. Suwerte nga sila kasi nung time ko, walang tumutulong sa akin. Walang acting workshops, walang acting coaches, walang tutulong sa’yo that time but yourself. Kaya ako ngayon, basta makakatulong ako sa baguhan, I try to help them in their craft,” lahad ni Jaclyn.

Kabilang sa sexy movies na ginawa noon ni Jaclyn  ay ang Private Show (1984), White Slavery (1985), Flesh Avenue (1986) at Takaw Tukso (1986).

Si Jaclyn ay gumaganap bilang ina ni Cloe sa Vivamax movie  na streaming on July 22.

 

Previous articleGina PareÑo may panawagan: ‘Kunin naman n’yo ako. baka mauwi ako sa mental nito!’
Next articleCharlene Gonzales nami-miss ang pagsayaw