Jaclyn Jose, ayaw kay Bret Jackson para sa anak na si Andi Eigenmann

Jaclyn Jose, ayaw kay Bret Jackson para sa anak na si Andi Eigenmann

Andi-Eigenmann-Jaclyn-JoseHINDI KO na maintindihan ‘yang lovelife ni Andi Eigenmann. Wala na naman sila ni Jake Ejercito, at meron na naman daw na kapalit na non-showbiz yata.

Kaya lang, naikukumpara kay Andi at sinabihan pa raw na mataba itong aktres.

Unfair naman yata kay Andi ‘yan! Kung mag-break sila at kung merong nakitang kapalit agad si Jake, eh ‘di go! ‘Wag na mamintas ng ibang tao!

Pero tingin ko diyan, ang ending sina Jake at Andi pa rin!

Sa totoo lang, mas boto si Jaclyn Jose kay Jake kesa sa ibang nali-link sa anak niya.

Meron yata ‘yung Bret Jackson na kasama ni Andi sa susunod na pelikulang gagawin niya sa Viva.

Nu’ng tinanong si Jaclyn kung boto siya rito kay Bret, mabilis na “no!” ang sagot nito.

Kahit nga ang ibang pinsan ni Andi na mga Eigenmann, ayaw rin nila rito kay Bret. Kaya tingin ko diyan kay Jake pa rin ang ending n’yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis