Jackie Rice, wala na ngang soap, natsugi pa sa gag show

Jackie Rice, wala na ngang soap, natsugi pa sa gag show

Jackie Rice
Jackie Rice

Maraming tagahanga ni Jackie Rice ang nag-iisip kung bakit until now ay wala pa ring bagong proyekto ang magandang aktres at natsugi pa ito sa nag-iisa niyang show na “Bubble Gang“.
Himutok nga ng loyal supporters ni Jackie Rice, mukhang napababayaan daw ito ng kanyang home studio gayong homegrown artist ito na nagsimula ang karera sa showbiz sa Batch 3 ng “Starstruck’ at tinanghal na Ultimate Female Survivor.
Halos lahat naman daw ng pinagbidahang serye at sinalihang soap ni Jackie ay nagpakita ng lakas sa ratings, kaya naman daw karapat-dapat na mabigyan ito ng panibagong soap katulad ng ibang GMA stars na sunud-sunod ang trabaho.
Sayang naman daw ang ganda at talino ni Jackie sa acting kung mabuburo lang nang matagal. Mabuti na nga lang daw at may negosyo ito na pinagkakaabalahan ngayon, dahil kung wala raw ay nganga ito at walang pagkukuhanan ng panggastos sa pang-araw-araw at pambayad ng kanyang mga bills sa bahay.

John’s Point
by John Fontanilla