Jackie Rice, sayang lang ang paghuhubad

ADVERTISING

Jackie Rice, sayang lang ang paghuhubad

Jackie-RiceMARAMI ANG nanghinayang sa ginawang pagpapaseksi ni Jackie Rice sa isang indie film na idinirek ni Joel Lamangan.

Aminado kasi si Jackie, na napapanood every Friday sa Bubble Gang sa GMA 7, na super daring ang ginawa niya sa eksena sa kama. Nandoong nabalitang muntik na raw magalit ang boyfriend ng actress sa ginawa nitong mga daring scene.

Pero pagmamalaki raw ni Jackie na ginawa lang nito ang hinihingi ng istorya at wala nang iba pa. Kaya lang marami ang nanghinayang dahil sa isang Indie film pa raw siya bumigay at hindi sa isang mainstream na pelikula.

Tanggapin daw o hindi ng mga gumagawa ng indie films, wala naman daw nag-klik sa takilya kapag ito ay isang indie film.

ADVERTISING

Minsan daw ay nagkakamit ito ng karangalan. Pero okey naman daw kaya sa producer na award ang maging katumbas ng pronodyus na indie film? Kaya nga nag-produce ay para kumita para makapag-produce ng panibagong project.

Well, sana nga ay magtagumpay sa takilya itong indie film para hindi naman masayang ang ginawang paghuhubad ni Jackie Rice.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING