Jackie Rice, may trauma sa kasal

ADVERTISING

Jackie Rice, may trauma sa kasal

1 Jackie-Rice“AYOKONG MAG-ASAWA!” Ito ang naunang pahayag ni Jackie Rice kaugnay sa tanong if handa na ba itong maging isang may bahay sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Tsika pa ni Jackie, “Weird nga ako. Ever since, ganu’n ang attitude ko about marriage. Siguro natatakot kasi akong I might just end up like my parents na naghiwalay rin. Basta sa ngayon, I just enjoy what I have, my career, my lovelife, my friends.

“Hindi naman ako nagsasalita nang patapos. Baka kasi later, magbago ang isip ko’t magpakasal din ako when I get more mature. Tsaka I know na if it is meant to be, mangyayari at mangyayari ‘yun kahit hindi mo hanapin. Who knows mabalitaan n’yo na lang, ikakasal na pala ako.”

Aware naman daw ang kanyang BF sa kanyang pananaw pagdating sa pag-aasawa, nagkakaunawaan naman daw sila pagdating dito. Ini-enjoy raw nila ‘yung kanilang pagsasama at habang tumatagal nga raw sila ay mas nagiging matatag ang kanilang relasyon at mas marami silang bagay na nadi-discover sa isa’t isa.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING