Jackie Rice, maraming gugulatin sa daring scene sa movie

ADVERTISING

Jackie Rice, maraming gugulatin sa daring scene sa movie

Jackie-RiceSIGURADONG MARAMI ang magugulat kay Jackie Rice sa pelikulang Sitio Camcam (Greed) na prinodyus ng Heaven’s Best at nakatakdang ipalabas sa July 9.

Sa nabanggit na movie, ginagampanan ni Jackie ang role ng isang bar girl na isa sa tatlong asawa ng lead actor dito na si Allen Dizon.

“Sa story ay si Jean (Garcia) ang unang asawa ni Allen,” kuwento ni Jackie. “Pangalawa si Sunshine (Dizon). And pangatlo ako. First time ko talaga na mag-portray ng sobrang daring ang role na may mga love scene at showing of skin.

“No’ng i-offer ito sa akin, hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin agad ‘yong role. Kasi unang-una, si Direk Joel (Lamangan) ang director. Gustung-gusto ko siyang makatrabaho. Pangalawa, maganda ‘yong story. Pangatlo, siyempre bilang artista gusto ko namang may iba naman akong magawa. I mean, ayokong laging iyon at iyon lang na bida-kontrabida o komedyante. Iyon at iyon lang.

ADVERTISING

“Kaya gusto ko ng something new. Something different. Something na hindi ko pa nagagawa before. Pero kung ipapaulit sa akin ‘yong mga ginawa ko rito sa Camcam, hindi ko kayang ulitin!” natawang sabi pa ni Jackie.

“Ang daming hindi ko na nga yata kayang uliting gawin. Hahaha! ‘Yong mga sampal nila sa akin… ang sakit! Ang sakit manampal nina Ms. Jean at Ms. Elizabeth (Oropesa).

“Hindi ko masabi kung gaano ka-daring ‘yong mga eksenang ginawa ko rito. Kumbaga, maraming hindi nag-expect na ako ‘yon base sa mga lumabas nang still photos. Ipinakita ko nga ‘yon sa daddy ko. E, hindi siya naging masaya. So, ibig sabihin… gano’n siya talaga ka-daring. Siyempre ako, proud ako na ginawa ko ‘to, e. ‘Di ba? Excited ako na ipakita sa daddy ko. Pero hindi naman siya masaya sa ginawa ko.”

Sinita siya ng daddy niya? “Hindi naman. Ibinalik lang niya sa akin ‘yong mga ipinakita kong still photos. Hindi siya nagsalita. Hindi na lang niya ako kinausap. And hindi na rin ako nag-explain sa kanya kasi nagawa ko na, e. I mean, masaya ako na nagawa ko. Kasi sabi ko nga, nagawa ko ito, hindi ko na kayang ulitin ulit. As in all out talaga ‘yong ginawa ko. Hindi ‘yong daring scenes kundi ‘yong pangkalahatang naging demands no’ng role.”

Talagang paninindigan niya at itutuluy-tuloy na ang nasimulang niyang pagpapa-sexy na onscreen? “Kung si Direk Joel ulit ang director! Hahaha! Basta magaling ang director at maganda ang istorya. Ayoko ‘yong basta-basta na lang, e. ‘Yong… masabing nagpa-sexy lang. Ito kasing Camcam, maganda ‘yong cast. Magaling ‘yong director. Maganda ‘yong istorya. Parang all in. Bakit ko tatanggihan, ‘di ba?

“Marami akong ginawa sa pelikulang ito na hindi ako makapaniwalang nakaya kong gawin. Hindi ko ma-explain, e. Oo. Basta… ‘yong personality ko kasi sobrang tahimik. Sa Bubble Gang nga, hindi nila ako mapag-two piece, e. Mahiyain ako. Kahit nakapag-pose na ako sa mga men’s magazine, mahiyain ako. Dito sa Camcam, kakaiba talaga. Sa mga nakakita na ng still photos ko sa pelikula, marami ang nagtatanong… ikaw ba ‘yan?”

Paano kung halimbawa, mag-expect ang marami sa mas daring pang puwede niyang gawin sa kanyang mga susunod na projects o gagampanang roles? Kakayanin ba niyang mag-topless o talagang maghubad nang husto sa harap ng camera?

“Parang hindi. Ang nagawa ko nga sa Camcam, ‘yong nagpakita ako ng likod. Sobrang daring iyon na parang hindi ko na nga kayang ulitin. So, kung mag-i-expect ng mas daring pang puwede kong gawin, right now hindi ko masasagot,” panghuling nasabi ni Jackie.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING