Jackie Rice, ‘di na naghahangad mag-bida

ADVERTISING

Jackie Rice, ‘di na naghahangad mag-bida

Jackie-RiceHINDI RAW choosy pagdating sa trabahong ibibigay sa kanya ng GMA 7 si Jackie Rice dahil kahit anong proyekto raw ang ibigay sa kanya kanyang home network ay okey lang daw. Gusto lang daw kasi nitong magtrabaho nang magtrabaho at ayaw nang nababakante.

Tsika nga nito na sa dami daw ng artista ngayon sa bakuran ng GMA 7 na umaasang magkakatrabaho, masuwerte na siya na nabibigyan ng trabaho at magagandang role ng GMA 7. Kaya naman daw everytime na may trabaho siya ay ibinibigay niya ang kanyang 100% bilang pasasalamat na rin sa tiwala ng Kapuso Network.

Kaya naman daw mapa-bida o kontrabida ay aprubado kay Jackie dahil trabaho pa rin ‘yun at mas maganda nga raw na pareho nitong nagagawa ang mag-bida at mag-kontrabida dahil mas nahahasa ang kanyang galing sa pag-arte at mas natsa-challenge siya.

 

ADVERTISING

BUSY AS a bee ngayon ang grupong 4G na kinabibilangan nina Ken Sarmiento na Boy Next Door ng grupo, Shaun Salvador ang Cute Chinito, Pau Dela Cruz ang Tisoy guwapito, at Kristian Buencamino ang Fashionista  sa paglibot sa iba’t ibang Star Mall na nagsimula last Sunday sa Star Mall Alabang bilang front act ng GMA 7 Prime Artist na si Kristoffer Martin.

Pinuno ng sobrang dami ng tao  ang 1st leg ng meet and greet ni Kristoffer kasama ang 4G sa Star Mall Alabang kaya naman inaasahang dudumugin din ng maraming tao ang susunod na mall tour ni Kristoffer kasama ang 4G sa Star Mall EDSA-Shaw sa May 25, 4PM; at sa Star Mall San Jose, Bulacan sa June 15, 4PM.

Bukod sa paglibot sa mga mall, regular ding group performer ang 4G ng Walang Tulugan With The Master Showman at nakatakda naman silang mag guest sa iba’t ibang shows ng GMA 7.

 

NAGING ISANG malaking tagumpay ang ginanap na fashion show ng mga kandidato at kandidata ng Mr. and Ms Olive C na ginanap sa Activity Center ng Fisher Mall sa may Pantranco, Quezon City.

Kung saan naging espesyal na panauhin ang Kapuso Teen Actor at mapapanood sa newest soap ng GMA 7 na My BFF at sa pelikulang Sitio Camcam na si Hiro Magalona Peralta na inawitan ang reigning Ms. Olive C na si Chelsea Sterling.

Present din ang CEO/President ng Psalmstre na si Sir Jaime Acosta, makers of Olive C, New Placenta, atbp.

Ilan sa mga nag-standout sa nasabing fashion show ay ang mga sumusunod: Ashley, Lyka, Therese, Ryan, Christian, Stephen, Popoy at ilang kandidato ng Visayas at Mindanao.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING