Jackie Rice, ‘di kinikibo ng ama dahil sa paghuhubad

ADVERTISING

Jackie Rice, ‘di kinikibo ng ama dahil sa paghuhubad

Jackie-RiceUNTIL NOW, hindi pa rin daw nag-uusap si Jackie Rice at ang kanyang ama, dahil na rin sa maseselan at sobrang daring na eksena ni Jackie sa Kamkam. Hindi raw nagustuhan ng daddy ni Jackie nang ipakita nito ang mga litrato na kuha sa nasabing eksena.

Tsika nga ni Jackie “Ipinakita ko nga ‘yon sa daddy ko, hindi siya naging masaya. So, ibig sabihin, gano’n siya talaga ka-daring. Pero sabi ko nga sa Daddy ko, acting lang ‘yun at kailangan talaga sa pelikula. Pero, simula nu’n ‘di na niya ako kinibo.

“Naiintindihan ko naman siya, kasi tatay ‘yun. Kaya siguro hindi maganda para sa kanya na makita ang anak niya na ganu’n ka-daring. Kaya lang, trabaho lang naman ‘yun at maganda naman ang pagkakagawa. Katulad ng sinabi ko, kailangan sa eksena.”

Dagdag pa ni Jackie, hindi na siya pabata kaya naman open na siya sa pagtanggap ng maseselan at matured roles lalo na’t maganda ang pelikula at dekalidad ang director katulad ni Direk Joel Lamangan, at puro award-winning din ang mga artistang mga nakasama niya.

ADVERTISING

Umaasa raw si Jackie na darating ‘yung time na kakausapin siya muli ng daddy niya at maiintindihan kung bakit niya ginawa ito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING