Jackie Forster, mas mabuting mag-focus na lang sa ipinagbubuntis at pag-aalaga sa may sakit na anak

Jackie Forster, mas mabuting mag-focus na lang sa ipinagbubuntis at pag-aalaga sa may sakit na anak

Jackie-ForsterBINA-BASH DAW ako sa Instagram ng mga followers ni Jackie Forster dahil sa sagot ko sa isyu nila ni Benjie Paras.

Hay, naku! I-bash man nila ako araw-araw, malay ko ba! Wala naman akong Twitter, wala akong Instagram o Facebook.

Basta ako, paninindigan ko ‘yung mga sinabi ko na bakit hindi kasi makapag-move on itong si Jackie.

May kanya-kanya na silang pamilya, bakit paulit-ulit na lang ang mga paninira niya sa dati niyang asawa?

Sabi ko nga, sa halip na tirahin niya si Benjie, sana maging proud na lang siya sa mga na-achieve ng dalawang anak nila ni Benjie.

Buntis pa siya, at may anak siyang may sakit. Bakit hindi siya mag-focus sa pag-aalaga du’n.

Hay, naku! Lalo niya tuloy pinapa-guwapo si Benjie sa mga ginagawa niyang ‘yan.

Ang dami niyang sinasabi laban kay Benjie, ni isa wala akong narinig na sinasabi si Benjie na kasiraan niya. Ayaw na lang talaga siyang patulan ng alaga ko.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis