Jackie Forster, lalo lang inilalayo sa kanya ang mga anak

Jackie Forster, lalo lang inilalayo sa kanya ang mga anak

1 Jackie-ForsterAYAW NA talaga ni Benjie Paras na patulan pa itong mga ipinu-post ni Jackie Forster laban sa kanya.

Ayaw talagang tumigil kung anu-ano ang mga pasabog niya si Jackie.

Pati ang sinabi ni Benjie na mag-move on na lang, nag-react din siya at lalo pa siyang nagpuputak.

Marami pa raw siyang mga baho ni Benjie na ilalabas para makilala raw ng kanyang mga anak kung ano ang totoong pagkatao ng kanilang ama.

Naku! Sa halip na maggaganu’n si Jackie, ‘di ba mas mabuti kung mag-post siya ng mga positibong bagay at huwag na lang manira ng kapwa?

Kung nag-post ‘yan na natutuwa siya sa mga na-achieve ng mga anak niya, baka lumambot pa ang puso ng mga bata at makipagkita na ito sa kanya.

Makikita ng mga classmates nina Andre at Kobe na magaganda ang mga sinasabi ng nanay nila, baka matuwa pa sila.

Sa ginagawa niya, lalo niyang inilalayo ang sarili niya sa mga bata dahil siyempre nasasaktan naman sina Andre at Kobe na sinisiraan ang tatay nila. Sana naisip man lang ‘yan ni Jackie, ‘di ba?

Hay, naku! Abangan n’yo na lang ang mga sasabihin ko sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis