Jackie Forster, isiniwalat ang paghihirap sa piling ni Benjie Paras

Jackie Forster, isiniwalat ang paghihirap sa piling ni Benjie Paras

Jackie-ForsterNADUROG ANG puso ng netizens sa latest revelations ni Jackie Forster.

Jackie posted recollections about the ordeals she went through when she and Benjie Paras lived together.

At fifteen ay nabuntis siya at nakaIiyak ‘yung chika niyang pinasama pa siya ni Benjie sa game practice nito kahit na manganganak na siya. Three hours pa siyang naghintay sa kotse bago siya dinala sa ospital ni Benjie.

Nanganak siya sa US nang wala si Benjie at nang bumalik siya ay meron siyang lagnat pati na rin ang baby niya. Hindi rin siya pinadala sa ospital ni Benjie kahit nilalagnat na silang mag-ina.

Marami ang nakisimpatya kay Jackie after her post.

“Hirap din naman ng pinagdaanan niya. She had 2 kids during her teens, and whatever else might have gone wrong in their relationship mas dehado pa din siya kasi siya na yung menor de edad siya pa yung walang kasama. I hope she finally fixes things with her two grown sons. I just think the two boys are uncomfortable that all these matters are being aired so publicly,” one guy said.

“You can’t feel Jackie’s pain if you aren’t a mom yourself. I feel her pain… kung pabaya naman siyang ina eh di sana hinayaan at kinalimutan na lang niya ang mga anak niya. But the thing is, she’s not like that. She fought hard for her sons (and lost)…. sino bang nanay ang gusto na tumanda ang mga anak niya na may galit sa kanya? Sobrang sakit non,” sabi naman ng isa pa.

“Swerte pa nga si Benjie at di siya kinasuhan ng nanay ni Jackie. In-love lang talaga si Jackie sa kanya kaya ipinaglaban sya…. pero si Benjie naman, being 25 then and still considered young, hindi rin naalagaan ng tama ang relationship nila,” say naman ng isa na tama naman.

“Jackie was 15 when she got pregnant, minor pa at puwede nga siyang kasuhan ng madir ng aktres noon,” obserbasyon naman ng isang fan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas