Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ng kuyang si James Reid kaya pinasok na rin ang showbiz

Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ng kuyang si James Reid kaya pinasok na rin ang showbiz

Jack Reid, na-inspire sa kasikatan ng kuyang si James Reid kaya pinasok na rin ang showbiz Bongga ang Pamilya Reid.

Ang tinutukoy namin ay si James Reid at ang younger brother niyang si Jack Reid na ngayon ay nag-decide na ring pasukin ang showbiz.

Nang makita na nag-e-enjoy ang kuya niyang si James Reid sa tinatamong kasikatan at estado bilang isa sa pinaka-popular na showbiz personality natin sa kasalukyan, nag-decide si Jack Reid na subukan ang showbiz via Viva Communications, Inc. and TV5 new Sunday noontime show na “Happy Truck HapPinas” na magsisimula na sa March 6.

“I find showbiz interesting. But James is a better dancer than I am,” ayon sa kuwento ni Jack sa amin in his very Australian accent, na maging kami ay hirap siyang mahintindihan during our interview because of his Aussie twang.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, Jack is the youngest sa kanilang makakapatid.

At sa katunayan, one of their sibling (James older sister) will also join showbiz very soon.

Sa panimula ni Jack sa showbiz, mapanonood siya sa Sunday noontime show with other other male bagets like VJ Marquez, Akihiro Blanco, Andrew Muhlach, Owy Posadas ,and Jason Salvador, na ang tawag sa group nila ay YOLOL (You Only Live Once Lang) na siya ring segment title nila sa show.

Ang tanong, will Jack make it in showbiz like his older brother James?

Well, let us wait and see. Mukhang may promise naman si bagets. ‘Di ba, Liza Endaya?

Reyted K
By RK VillaCorta