Iza Calzado, tuluyan nang lalayasan ang siyete?!

ADVERTISING

Iza Calzado, tuluyan nang lalayasan ang siyete?!

Iza Calzado, tuluyan nang lalayasan ang siyete?!MATAGAL NA RING pinag-uusapan sa showbizlandia ang plano diumano ni Iza Calzado na lumipat sa ibang istasyon. Matatandaan na hindi ikinaila ng kampo ng aktres na bukas ito sa posibilidad na lumipat sa ibang network. Naging matamlay ang takbo ng karera ng aktres early last year at naging maingay muli ang pangalan nito nang ibigay sa kanya ang title role sa primetime series na Beauty Queen. Nagkaroon pa ito ng talk show sa QTV at naging regular dabarkads sa Eat… Bulaga!. Siya rin ang humalili sa papel na iniwan ni Regine Velasquez bilang babaeng bakla sa I Heart You Pare at ngayo’y namamayagpag siya bilang comedy actress bilang misis ni Cesar Montano sa Andres de Saya. Walang ginagawang teleserye sa Kapuso Network si Iza ngayon kaya muli na namang lumilitaw ang tsikang pag-o-ober da bakod niya. Ang tsika pa nga, todo raw ang panliligaw ngayon sa kanya ng Kapatid Network para ito’y tuluyan nang pumirma sa kanila. Bibigay na ba si Iza sa galanteng offer ng ibang networks, o muli na naman ba nitong paiiralin ang loyalty sa kinalakhang istasyon? Isip-isip muna, ateng!

 

PAULO AVELINO, CERTIFIED KAPAMILYA NA!

MATAGAL-TAGAL MAN SIYANG nag-isip at naglakbay, sa pagiging isang certified Kapamilya pa rin ang tuloy ng Starstruck IV finalist turned hunk actor na si Paulo Avelino. Pumirma na ng two-year contract ang aktor sa ABS-CBN at bakas sa mala-anghel na mukha nito ang kagalakan na sa wakas ay nakapirma na ito sa bago niyang tahanan.

ADVERTISING

Matatandaang sinubukan ding pigilan ng GMA-7 ang paglipat nang tuluyan ni Paulo sa Dos at gusto pa nga nila na ito ang maging leading man nina Carla Abellana at Michelle Madrigal sa isang teleserye. Mukhang mas pinakinggan ng kampo ni Paulo ang request ng mga fans na lumipat na lamang ito.

Ayon mismo kay Paulo, gusto na nitong makatrabaho sina Coco Martin at Kim Chiu sa isang proyekto. Hindi na lihim sa lahat na isang unwed father na si Paulo Avelino at kasalukuyang nagli-live in sila ng Kapuso actress na si LJ Reyes. Huling napanood si Paulo Avelino sa indie film na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Good move, Pau!

 

EUGENE DOMINGO AT TONI GONZAGA, PATALBUGAN  SA BAGONG PELIKULA!

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON ay magsasama sa big screen ang dalawa sa sought-after comedy leading ladies na sina Eugene Domingo at Toni Gonzaga. Ito ay para sa pelikulang ‘Wedding Tayo, Wedding Hindi’, na co-venture ng Star Cinema at Octo Arts Films. Marami ang nag-aabang sa nasabing pelikula dahil hindi naman talaga matatawaran ang ga-ling ng dalawa sa pagpapatawa. Kasali rin sa nasabing pelikula sina Zanjoe Marudo at Wendell Ramos bilang leading men.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING