Iza Calzado, takot na takot ma-parazzi!

ADVERTISING

Iza Calzado, takot na takot ma-parazzi!Iza Calzado, takot na takot ma-parazzi!HANGGANG NGAYON MAINIT pa ring pinag-uusapan ang breast exposure nina Anne Curtis at Karylle na unang lumabas dito sa Pinoy Parazzi, bago nai-download ng mga nakasaksi ang photos and video ng dalawa dahil sa wardrobe malfunction sa dance number nila sa ASAP XV sa Boracay. Pinagpiyestahan ng mga kalalakihang hayok sa laman ang kanilang mga larawan.

Naging sentro ng usapan namin ni Iza Calzado ang insidenteng ‘yun kina Anne at Karylle sa 75th birthday party ni Mely Tagasa (Ms. Tapia) sa Celebrity Plaza.

ADVERTISING

“Na-shock ako nang makita ko ‘yung mga photos nina Anne at Karylle. “I feel sad sa nangyari, kasi best friend ko si Karylle, kaya agad ko siyang tinawagan para bigyan ng moral support as a friend. That time hindi siya aware sa nangyayari sa paligid niya, hindi niya alam na lumitaw ‘yung right breast niya. Buti na lang may plastic tapes ang nipples niya nu’ng makunan siya,” say ni Iza.

Tinanong ni Iza kung photographer ng Pinoy Parazzi ang kumuha ng pictures ni Karylle. Sabi namin, ibinenta lang ang mga larawan ‘yun kay Raimund Agapito (publisher). Bumibili talaga kami ng controversial photos.

Hindi naman itinanggi ni Karylle na siya nga ‘yung nasa larawan, ayon kay Iza. Sa pangyayaring ‘yun kina Anne at Karylle, naging aware na nga raw ang mga artista sa kanilang mga kasuotan, mapa-gown man ito or summer outfit, wiz nila type na ma-parazzi.

ADVERTISING

“Kahit ako nga ngayon, kapag naka-gown or sexy dress kailangan maglagay ako ng plaster sa nipples for protection. Sobrang aware ako ngayon sa damit na isusuot ko kapag lumalabas, kailangan ding maging aware ka sa mga events na dinadaluhan mo. You’ll never know what will happen, baka nasa paligid mo lang ang Parazzi photographer, ‘di ba? Thank God, hindi pa nangyayari sa aking makunan ako ng hindi kanais-nais… huwag naman sana! Hindi ko ma-imagine kung sa akin nangyari ‘yun, it’s a nightmare!” Pahayag ni Iza, na always, beautiful sa paningin namin.

Speaking of Ms. Tapia, na-surprise ang birthday celebrator sa pagdating ni Iza. Naging voice coach ng dalaga ang veteran actress sa mga Koreanovela ng GMA-7. Nanay na kung ituring ni Iza ang Mother Dear ni Gina Tagasa na siyang naging punong-abala para maging successful ang nasabing event.

AGAW-EKSENA SI JOLO Ejercito (anak nina Precy at Jinggoy Estrada) sa get together party na handog ni Mother Lily Monteverde. Tipong artistahin kasi ang binatilyo kaya naging interesado ang media people na makausap ito.

Nagpaunlak naman si Jolo na magpa-interview. Pag-aartista o pagiging pulitiko ang una niyang pipiliin? “Hindi ko po alam sa ngayon kung ano ang gusto ko. Kailangan muna pong magtapos ako ng pag-aaral bago ko isipin ang mga bagay na ‘yan. Naipangako ko po kasi kay Daddy na magtatapos muna ako bago ko isipin kung ano talaga ang gusto kong gawin,” turan ni Jolo.

Sa pakikipag-tsikahan namin kay Jolo, mas terror pala si Mommy Precy kaysa sa Daddy niya. “Si Mommy may pagkaistrikto pero nasa lugar naman po. Ang pagdi-discipline niya para sa ikabubuti rin po namin. Si Daddy naman po, hindi marunong magalit… always cool and relax kapag magkakasama kaming pamilya. Mas spoiled kami kay Daddy kaysa kay Mommy in some way, depende po ‘yun sa mood niya,” wika ni Jolo.

Inamin ni Jolo na crush niya ang younger sister ni Anne Curtis. Nakarating ang balitang ito kay Anne, ‘I’m so flattered na crush niya ang younger sister ko,” say niya. Hoping si Jolo na balang-araw, makilala niya nang personal ang kanyang dream girl.

Balitang dibdiban ang panunuyo ni Aaron Villaflor sa utol ni Anne. ‘Pag nagkataon, magiging magkaribal sila ni Jolo. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magiging matimbang kay Anne para sa kanyang pretty sister?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING