Iza Calzado, pumayag magkaroon ng breast exposure sa ginagawang pelikula

Iza Calzado, pumayag magkaroon ng breast exposure sa ginagawang pelikula

Iza Calzado
Iza Calzado

Showing na ngayon ang My Candidate ng Quantum Films na pinagbibidahan ni Iza Calzado na gumaganap bilang isang aspiring senator sa movie.

Believable ang portrayal ni Iza Calzado sa movie bilang senatorial candidate. Pati gestures, pananalita niya ay hitsurang pulitiko talaga.

Pero sa next movie niya ay hindi na siya ganu’n ka-wholesome. Pumayag na siyang magkaroon ng breast exposure sa psycho thriller movie ni Jerold Tarog.

“Makikita n’yo na lang. Some parts. Actually, it’s more sensual than sexy. Pero ano kasi siya, eh, marami talaga siyang nudity but not just for me, sa isang alaga rin ng manager ko (Noel Ferrer), si Adrian Vergara,” pagtatapat ng aktres.

Ayon pa kay Iza, hindi na raw niya kailangang maghanda para sa role.

“Kailangan ba ng preparation? ‘Di na kailangan. Ready na tayo,” sagot niya.

“I think I’m a bit of a risk-taker. Para sa akin, work is work. As long as the role is kind of fun or challenging, I’m going to accept it,” dagdag pa niya.

Eh, paano ang BF niya, hindi ba ito magre-react sa gagawin niya?

“I don’t know, he’s very cool, he’s very dedma even his parents, I’ve already told them,” matipid niyang reaksyon.

La Boka
by Leo Bukas