Iza Calzado, naghahanda para mag-audition sa Hollywood

Iza Calzado, naghahanda para mag-audition sa Hollywood

Iza Calzado
Iza Calzado

Hindi patterned sa kung kanino mang politician ang character ni Vera Sanchez na pino-portray ni Iza Calzado sa pelikulang “My Candidate”.

Pagde-describe pa niya sa role bilang aspirang senator, “May pagka-maldita siya. She’s very ambitious. She won’t  stop unti she gets what she wants.”

Nanghinayang naman si Iza Calzado na wala siyang kissing scene with Derek Ramsay sa pelikula.

“Wala nga, eh. Sayang,” biro pa niya.

Kababalik lang ni Iza from Los Angeles at ayon sa kuwento niya, kung anu-ano ang pinag-aralan niya roon.

“I took some improvisation classes, I took an audition technique class, speech class. Whatever it is I’m just preparing for my future.

“I always think there’s so much room for improvement. I am not where I want to be as an actress. Marami pa akong gustong gawin at matutunan.”

Isa rin daw sa dahilan ng pagpunta niya sa L.A. ay para pag-aralan kung paano mag-audition sa Hollywood.

“Kumbaga, ihanda mo na ang sarili mo para sa oras na magdesisyon ka man na I wanna go for a pilot season audition there ready ka,” sey pa niya.

Palabas na sa May 11 ang “My Candidate” kung saan kasama rin si Shaina Magdayao at Nico Antonio under the direction of Quark Henares.

La Boka
by Leo Bukas