Iza Calzado, nag-aaral ng acting sa Los Angeles; susubukan ding makapasok sa Hollywood

ADVERTISING

Iza Calzado, nag-aaral ng acting sa Los Angeles; susubukan ding makapasok sa Hollywood

Iza Calzado, nag-aaral ng acting sa Los Angeles; susubukan ding makapasok sa HollywoodPalabas na ngayong Miyerkules, March 16 sa selected cinemas ang “Buhay Habang Buhay” na entry sa CineFilipino Film Festival. Bida rito si Iza Calzado and 95 percent ng mga eksena sa pelikula ay kasama siya.

Ayon sa manager ni Iza Calzado na si Noel Ferrer, ang pelikula ay… and I quote “Para sa patay. Sa patay na patay. Sa nagpapakamatay para sa lovelife. At sa lahat ng klase ng martir. Oras na para mag-move-on. Marami pang magagawa sa buhay habang buhay.”

Ghost si Iza sa pelikula, pero kakaibang ghost siya. Hindi typical ghost movie ang “Buhay Habang Buhay”. Light drama ito at puwede ring tawaging romcom.

Very effective (well, kahit naman kailan) si Iza sa kanyang subtle at subdued acting. Parang siya lang talaga ang babagay sa role, huh!

ADVERTISING

Anyway, nasa Amerika ngayon si Iza para mag-aral ng acting sa Los Angeles. Ayon pa sa kanyang manager, mag-o-audition din ang aktres sa Hollywood habang nando’n.

Kasama rin nga pala sa “Buhay Habang Buhay” sina Jake Macapagal, Meryll Soriano, Ricci Chan, Rocky Salumbides, at Anna Marin.

Palabas ang pelikula sa Gateway, Shangri-La Cineplex, Robinson’s Galleria, Robinson’s Metro East, Greenhills Theater Mall Cinema, Eastwood Cinema,New Port Cinema (Resorts World), at Festival Mall Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING