Iza Calzado at Jameson Blake, may May-December love affair sa ‘Loving Emily’

ADVERTISING

TULOY-TULOY ang trend ng mga pelikulang may May-December love affair theme. Kung noong 2018 ay pina-ibig tayo nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa ‘Glorious‘ at last year ay natunghayan natin ang maiinit na eksena nina Mylene Dizon at Kit Thompson sa Belle Douleur na unang napanood sa 2019 Cinemalaya Film Festival na napapanood na ngayon sa IWantTFC.

This year, si Iza Calzado naman ang bida sa sexy-drama digital film ng IWantTFC na ‘Loving Emily’. Si Jameson Blake, na nakatrabaho mismo ng aktres sa teleseryeng ‘A Love to Last’ ng ABS-CBN ang kanyang ka-‘love affair’ sa pelikula. Siguradong may awkwardness muna sa umpisa ang dalawa, huh!

ADVERTISING

Marami ang makaka-relate in their late 30’s onwards ang makaka-relate sa pelikulang ito. Umabot si Emily (Iza Calzado) sa punto ng kanyang buhay kung saan kailangan niyang mamili kung siya ba ay mananatili sa kanyang unhappy marriage o ang pagpapatuloy ng kanyang relasyon sa mas batang lalaki na mahal na mahal siya.

Madidiskubre niya na may kalaguyo ang kanyang asawa (Epy Quizon) pero hindi niya magawang kumprontahin ito. Idagdag pa ang dalagang anak na nagrerebelde (Heaven Peralejo). Nang mamatay ang kanyang ama, babalik ito sa kanyang probinsya at doon niya makikilala si Vince (Jameson Blake), isang binata in his early 20’s. Magkakaroon ng initial attractions sa pagitan ng dalawa at before you know it, they’re having a one night stand.

Pero hindi doon matatapos ang lahat. Ngayon na nakahanap ng kaligayahan si Emily sa piling ni Vince, pipiliin ba niya ang landas na ito kung pang-matagalan na ang usapan?

ADVERTISING

Kung nakakarelate ka sa scenario na ito, manood ka na ng ‘Loving Emily’ na mapapanood na simula bukas, November 18 sa IWantTFC.

Panoorin ang Full Trailer ng Loving Emily!

ADVERTISING