IZA CALZADO AT BEN WINTLE TULOY NA TULOY ANG KASAL

ADVERTISING

IZA CALZADO AT BEN WINTLE TULOY NA TULOY ANG KASAL

IZA CALZADO AT BEN WINTLE TULOY NA TULOY ANG KASAL
Ben Wintle and Iza Calzado

PARANG walang follow-up kung tuloy ba o hindi ang kasal ng aktres na si Iza Calzado sa kanyang British boyfie na si Ben Wintle.

Mula nang mag-propose si Ben sa aktres at ibinalita nila that they’re getting married, tila wala na sumunod na balita tungkol sa pagharap nila sa altar.

 Sa sobrang kabisihan ng aktres sa kayang showbiz career; with a Cinemalaya entry “Distance” ni Direk Perci Intalan na siya ang bida, busy si Iza sa ibang gawaing showbiz.

IZA CALZADO AT BEN WINTLE TULOY NA TULOY ANG KASAL
Ben Wintle proposes to Iza Calzado

Ang kasalan as scheduled ay this 2018 pero wala pa masyadong detalye at malapit na magtapos ang taon.

ADVERTISING

Pero panigurado ni Iza na tuloy ang kasal dahil suot pa rin niya ang engagement ring na bigay ni Ben sa kanya. “May magaganap na wedding this year,” panigurado ng aktres.

Pahayag niya : “My coordinator, my god! Mamamatay na ako kung wala akong coordinator! Hindi ‘nyo na ako makakausap! It’s so hard! Only because you can’t invite everybody sa first leg because of its the location that does not permit for more guests, so we might probably do a Manila wedding,” kuwento niya media.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING