Iyak ng Pagmamahal: Roxanne Barcelo, reyna sa paningin ng boyfie na si Will Devaughn!

ADVERTISING

Iyak ng Pagmamahal: Roxanne Barcelo, reyna sa paningin ng boyfie na si Will Devaughn!

Iyak ng Pagmamahal: Roxanne Barcelo, reyna sa paningin ng boyfie na si Will Devaughn!
Will Devaughn and Roxanne Barcelo

NAKAKATUWA ang pag-iibigan ng magkarelasyon na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

ADVERTISING
 
Ang basa ko, mas love na love ng binata ang dalaga na seldom mo nakikita ngayon sa mga magkarelasyon.
 
Interpretasyon ko, mas emote at mas may hugot si Will kaysa kay Roxanne dahil nang tanungin siya ng media sa launch ng pelikulang romcom ng magka-partner na “I Found My Heart in Sta. Fe”, napaiyak ang binata na ikinagulat ng press na very or seldom (wala yata kami nasaksihang ganito in our entire showbiz career).
 
Upfront, nang uriratin kung gaano kamahal ni Will ang dalaga, tumulo na lang ang luha nito at tumalikod para punasan ang mga mata.
 
Kung babae ka, gandang-ganda ka sigurado sa sarili mo dahil iba ang binata.
 
Si Roxanne naman, kapag nasa isang relasyon at mahal niya ang kapartner: “Ako kasi, kapag nagmahal talaga ko, sobrang all-out. 100% ibinibigay ko,” sabi niya.
 
Iyak ng Pagmamahal: Roxanne Barcelo, reyna sa paningin ng boyfie na si Will Devaughn!
Will Devaughn and Roxanne Barcelo

Katwiran ng dalaga: “Wala akong pagsisisihan na hindi ko ibinigay ng buo,” paliwanag niya.

 
Sa totoo lang, suwerte ang dalawa sa isa’t isa.  Maging si Direk Bona Fajardo, happy sa pagbubuo ng pelikula niya for BluArt Productions kung saan hindi naging mahirap sa kanya na tapusin ang pelikula dahil never nag-away or nagkatampuhan sina Will at Roxanne sa set while filming.
 
Based on the trailer, ang ganda ng Bantayan Island kung saan ginamit ni Direk Bona ang isla as backdrop ng pelikula.
 
Sa September 15 na ang showing ng pelikula na suwerte naman at nakapasok sa panlasa ng FDCP para maipalabas sa Cine Lokal sa mga piling sinehan ng SM Cinema nationwide.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING