Iya Villania, mainit na tinanggap sa Siyete

ADVERTISING

Iya Villania, mainit na tinanggap sa Siyete

Iya-VillaniaKAPUSO NA si Iya Villana. Nitong Linggo, November 2 ay naging mainit ang pag-welcome sa kanya sa Sunday All Stars.

“Yes! Sobrang warm nga ang pag-welcome sa akin,” masayang bungad ng dating Kapamilya actress-TV host.

“It really does feel like a homecoming. Kasi iyon nga ang tinatawag nila, e… sa pagkalipat ko rito. It’s like a homecoming. Kasi nga it’s been ten years. Tapos may mga iba na naging katrabaho ako noon na hanggang ngayon nandito pa rin. May mga familiar faces. That’s why I don’t feel like such a stranger. Even though it has been ten years.”

Isang bonggang production number ang ginawa ni Iya sa SAS. Lahat ay nagulat dahil first time niyang maging daring.

ADVERTISING

“Thank you!”nangiting sabi na lang niya.

Regular na ba siyang mapapanood sa Sunday All Stars every week?

“Balita ko… oo raw!” sabay ngiti niya ulit. “I will be regular sa Sunday All Stars from now on.”

Mas bongga at daring pa ba ang mga production numbers na gagawin niya sa mga susunod na Linggo sa show?

“Daring. Pero pagkatapos ng SAS, buhay pa ba ako?” natawang biro ni Iya. “Pero okey lang. And malay natin if I’ll be able to sing more here also. Dahil iyon naman talaga ang unang gusto ko when I entered showbiz. A… sabi lang ni Lord, huwag muna ngayon! I’d love to sing and dance! Yes, I love that.”

So hindi lang sayaw kundi may mga song numbers din siyang gagawin sa SAS?

“Pinaplano ko pa. Kasi medyo nabibigla pa rin ako, e. And it feels like quite shocking for me na… ‘yong Sunday routine ko naiba. Kasi ngayon nandito na ako.”

And speaking of dance numbers, sino naman kaya sa mga Kapuso stars ang gusto niyang maka-showdown sa sayawan?

“Nakaka-pressure naman! Hahaha! Ito na lang para mas madali… gusto kong maka-showdown si Christian Bautista! Hahaha! Kasi sigurado ako na mananalo ako do’n! Hindi sa kantahan kundi sa sayawan!” humahalakhak pa ring biro ni Iya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING