Iya Villania buntis sa ika-apat na anak

BLESSED talaga ang pagsasama ng longtime sweethearts turned ideal married couple na sina Drew Arellano at Iya Villania. Why? Because aside from their three lovely children, nakatakda na itong madagdagan ng isa pa!

Ito mismo ang buena manong balitang ibinahagi ni Iya sa Tarantanong segment ng kanyang morning show na Mars Pa More with Camille Prats and Kim Atienza.

Iya Villania buntis sa ika-apat na anak
Drew Arellano and Iya Villania with children

Tinanong ni Camille sa kanyang ka-mars Iya kung magiging ate na ba ang kanyang bunsong anak na si Alana.

“Yes!” masayang-masayang sigaw ni Iya sabay turo sa kanyang growing tummy with matching funny poses.

“I’ve been really lucky to have it easy again, so at least nakakapag-work ako, I’m sure yung iba diyan hindi siguro nila namalayan [na buntis ako],” dagdag niya.

“So we are expecting and parating na siya (the baby’s on its way), coming soon in June.”

Sa Hunyo nakatakdang manganak si Iya, na sa totoo lang, hindi mo mahuhulaan na sunod-sunod ang kanyang panganganak dahil nananatiling sexy ang figure nito. Lagi rin very positive ang kanyang aura, which probably reflects their happy family life in the Arellano Residence.

Ang panganay nina Drew at Iya na si Primo ay ipinanganak noong 2016. Si Leon naman ay ipinanganak noong 2018 at ang kanilang nag-iisang anak na babae (so far) na si Alana ay ipinanganak lamang noong 2020.

Congratulations, Iya and Drew!