Iwa Moto, sobra ang panggagamit kay Jodi Sta. Maria

ADVERTISING

Iwa Moto, sobra ang panggagamit kay Jodi Sta. Maria

Iwa Moto, sobra ang panggagamit kay Jodi Sta. Maria

SANA NAMAN, kumita nang bongga sa takilya ang indie film na ipino-promote nitong si Iwa Moto. Sana, nakatulong sa pagpo-promote niya ang pag-usapan ang “legal na asawa pa rin” na si Jodi Sta. Maria.

Juice ko, kung hindi pa dahil sa panggagamit kay Jodi, hindi pa siya maiinterbyu on cam at ng ibang reporters. Eh, ‘pag hindi pa kumita ang movie na ‘yan, baka isisi rin niya kay Jodi, ha?

 

ADVERTISING

NAKAKALOKAH LANG ‘tong batang ito. Alam na pala niya noon na hindi siya papatulan ni Jodi eh, kumbakit sige siya nang sige sa kadadakdak against Jodi. Whether tama ang alam niyang kuwento, eh kung ayaw naman siyang sagutin eh, balewala rin.

Mas magandang manahimik ka na lang, Iwa. Ang mas maigi pa eh, i-enjoy mo ang love affair n’yo ng asawa-pa-rin-hanggang-ngayon ni Jodi kesa lagi mong ituon ang atensiyon mo sa bising-busy na si Jodi.

‘Wag mo na ring ikatuwiran na hindi ka naman naghahangad na sumikat at ang hangad mo lang ay ‘yung meron kang gawin. Eh, ‘di mag-concentrate ka na lang du’n. Kahit pa sabihin mong itinatanong lang naman sa ‘yo si Jodi ng mga reporters at sinasagot mo lang, eh mas maiging manahimik ka na lang.

Kasi, ni wala ka ngang nariri-nig na kasiraan mo mula mismo sa bibig ni Jodi, eh. So, kung feeling mo, “inapi” ni Jodi si Pampi Lacson eh, mas magandang si Pampi na lang ang pagsalitain mo.

Tutal, wala ka pa naman sa eksena ng buhay nila nu’ng sila pa, hindi ba?

Anak, bigyan mo ng respeto ang sarili mo, ha? ‘Yung ganda mong ‘yan, samahan mo ng konting respeto sa sarili para hindi matabunan ng mga pinaggagawa mo ‘yung maganda mong mukha.

 

PARANG NANGANGAMOY senador sa press launch ng Blackwater Elite Homme eau de toilette, dahil sa presensiya ng kanilang endorser na si Cong. Sonny Angara.

Kala namin, “Smell like a Senator” na ang catchline ng naturang pabangong gawa ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. Dahil ang tanong nga namin that afternoon ay paano kung hindi magwaging senador ang anak ng beteranong politician na si Sen. Ed Angara, ‘di ba?

“No, para lang ‘yan dito sa presscon. Whether he wins or he loses, siya pa rin ang endorser namin ng Blackwater Elite Homme,” sabi ng isa sa mga partners ng Ever Bilena.

Although we must admit na isa sa mga iboboto namin si Cong. Sonny, dahil anak ‘yan ng gumawa ng batas na bigyan ng 20% discount ang mga senior citizens.

At in fairness, mukha namang “mabango” si Cong. Angara at sana, tuluy-tuloy ang bango na ‘yan sa election next year.

‘Di ba, Tita Aster Amoyo?

 

KUNG LAGI kayong naka-online nang 3pm, watch n’yo lang ang Vibes Tayo sa www.ustream.tv/channel/vibes-tayo para sa iba pang nakakalokang showbiz tsika at i-like na rin kami sa facebook, pati na ang The Ogie Diaz.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING