Iwa Moto, napansin nang magkontrabida – Lolit Solis

ADVERTISING

Iwa Moto, napansin nang magkontrabida – Lolit Solis

Iwa Moto, napansin nang magkontrabida – Lolit SolisMAGANDANG BREAK NGA kay Iwa Moto itong ibinigay sa kanya na role

ADVERTISING

na Valentina sa Darna dahil marami na ang nakakapansin sa kanya.

Lalo pa nga siyang gumaganda ngayon at nanatiling sexy kaya dapat na i-maintain niya iyan dahil talagang nakikipagtalbugan siya kay Marian Rivera sa Darna.

Hindi rin nagpapahuli si Nadine Samonte bilang babaeng impakta dahil nakitaan na rin daw ito ng galing.

ADVERTISING

Kaya lalong dumarami ang sumusubaybay sa Darna dahil talagang ibinuhos na nila ang galing nila dito.

Marami pa ra twist na dapat abangan sa Darna kaya tuloy lang ang pagtutok niyo.

Hindi lang nga sa buong bansa hit itong Darna kundi pati na rin sa Amerika, ang dami nang nababaliw doon sa pagsubaybay sa bagong fantaseryeng ito ng GMA-7.

Nakakatawa pa nga dahil ang buong akala nila, bagong kanta itong Narda ng Kamikazee na theme song ng Darna dahil ngayon lang nila ito narinig.

Hindi rin nila alam na nabuo itong kantang Narda ng Kamikazee dahil kay Angel Locsin na unang gumanap bilang Darna sa GMA-7.

Hindi lang ito nagamit sa Darna ni Angel dahil huli na lang ito na-record at pinasikat ng Kamikazee.

Kaya tuloy, si Marian ang nakinabang nang husto sa kantang ito.

Ang suwerte talaga ni Marian, ‘di ba?

Pero balik tayo kay Iwa, hindi lang si Marian ang pinasikat nang husto ng Marimar kundi pati na rin si Katrina Halili na nagpakita ng galing bilang kontrabida.

Kaya dito sa Darna, mukhang si Iwa ang susunod na pasisikatin nang husto dahil siya ang main kontrabida dito.

Other showbiz news today by Lolit Solis:

Starstruck auditions, dinumog ng bagets

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING