Iwa Moto, Darna’s new Valentina

ADVERTISING

Iwa Moto, Darna's new Valentina

NAGPAALAM PA SA akin ang mga staff ng Startalk kung okay lang daw ba na mag-guest si Katrina Halili sa darating na Sabado para mag-promote ng Rosalinda.

ADVERTISING

Siyempre, hindi naman ako nagbabawal at wala naman akong balak na talakan ito dahil nailabas ko na ang gusto kong sabihin, tapos na ‘yun.

Meron kasing nagsulat na hindi ko naman kilala kung sino ang nagsulat na ‘yun at kung saan niya kinuha ang intrigang ipinapa-ban ko raw si Katrina sa GMA 7.

Bakit naman ganu’n? Hindi naman yata tama ‘yun at meron ba akong power na magpa-ban ng artista sa GMA-7? Hindi naman ako ang may-ari ng Siyete! Kaloka, ha?!

ADVERTISING

Welcome na welcome naman si Katrina sa Startalk siyempre, dahil magpu-promote naman ito ng Rosalinda na magsisimula na next week.

Hindi nga lang mapigilan ni Dra. Vicki Belo na ilabas ang sama ng loob nito kay Katrina dahil bakit naman pati siya at ang Belo Medical Group ay gusto pa nitong idamay?

Sabi nga ni Vicki, noong nagkasala si Katrina dahil sa nangyari sa kanila ni Hayden, nag-usap silang dalawa nu’ng nakaraang taon at humingi raw ito ng tawad sa kanya at pinatawad naman niya.

Ngayong lumabas itong sex video, bakit pati naman daw siya idinamay pa dahil hindi naman daw siya ang nagkalat ng sex video na ito.

Sobrang na-harass na nga raw si Vicki lalo na’t kamakailan lang sinugod raw ito ng NBI sa bahay niya at inimbestigahan. Pero wala namang nangyari dahil nandiyan ang abugado niyang si Atty. Adel Tamano.

Ngayon, pinag-iisipan na raw nina Vicki na magsampa na rin ng kontra-demanda laban kay Katrina pero nang nakausap ng Startalk reporter namin si Atty. Tamano, isa lang daw ‘yun sa mga option nila pero hindi pa raw nila ito gagawin sa ngayon. Baka hindi naman daw nila itutuloy ito. Kaya abangan na lang!

BONGGA ANG COSTUME ni Marian Rivera sa Darna, ha!

Nag-pictorial na siya nu’ng Lunes at marami ang na-impress sa Darna costume niya dahil ang sexy. Ito na yata ang pinakaseksing costume ng Darna kaya medyo pressured na si Marian dahil kailangan payat siya lagi para walang lalabas na bilbil.

Ngayong araw ang story conference ng Darna at ang dinig ko, Narda na raw ang gagamitin nilang title.

Magkakaalaman na rin kung sino ang gaganap na Valentina na dinig ko, si Iwa Moto na raw.

Ang daming lumabas na pangalan na gaganap na Valentina nang ‘di matuloy si Katrina Halili. Pero maganda ang napagdesisyunan na si Iwa na ang napili. Mas bata at bagay na kontrabida kay Marian.

Mabuti’t payat na rin si Iwa dahil nagkasakit ito kamakailan lang, dahil sexy rin yata ang costume ng Valentina. Kaya patalbugan ng paseksihan sina Darna at Valentina.

Ang lakas ng feeling kong maganda ang kalalabasan nito, at matatalbugan ang Darna dati ni Angel Locsin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING