Iwa Moto: BF pa lang, asawa na?! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Iwa Moto: BF pa lang, asawa na?! – Gorgy’s ParkBONGGA PALA SI Iwa Moto na magsi-celebrate ng kanyang kaarawan sa darating na Sabado.

Wala pa ang birthday niya, ibinigay na raw ng non-showbiz boyfriend niya ang regalo.

Isang Prada bag, sampung damit at Nintendo DS daw ang birthday gift sa kanya. Pero feeling ni Iwa meron pang sorpresa sa kanya ang kanyang boyfriend sa mismong kaarawan nito.

Kaya lang nasa Cebu daw siya niyan para sa promo ng Darna at kinabukasan ay nasa Davao naman siya para sa launch ng Starstruck 5 na live na mapapanood sa SOP. Hindi lang niya alam kung may plano pa ang boyfriend niya sa birthday niya.

In fairness kay Iwa, ito ang matagal niyang boyfriend so far at mukhang seryoso na sila sa kanilang relasyon.

ADVERTISING

Sa facebook nga ni Iwa, gamit na nito ang apelyido ng boyfriend niyang Ablan. Kaya tuloy natsismis itong nagpakasal na sila, pero hindi naman daw. Although, parang asawa na ang turing ni Iwa rito kaya baka sa kasalan din ang ending nila.

Say naman ni Iwa, magti-21 pa lang siya at marami pa raw siyang gustong mangyari sa career niya, kaya wala pa sa plano nila ang magpakasal.

Haping-hapi ngayon si Iwa dahil maganda ang takbo ng career niya at bongga ang exposure niya sa Darna bilang Valentina. Masaya na nga raw siya sa birthday niya dahil patuloy pa ring mataas ang rating nito.

Sa Darna na lang nga raw siya ngayon naka-focus dahil talagang kinakarir daw niya ang role na ginagampanan niya.

MAGSISIMULA NA ANG project na pagsasamahan muli nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Ngayon may ka-triangle na sila na gagampanan ni Pauleen Luna kaya mukhang naiiba ito ngayon at mas madrama.

Hango sa awitin ng The Company ang title ng bagong primetime series nilang Now That I Have You.

Bongga ang casting at panibagong challenge na naman ito sa loveteam nina Mark at Jennylyn.

Talagang sila pa rin ang gusto kasi ng mga fans kaya lalo namang naging close ngayon ang dalawa.

Hindi nga sila makapag-comment sa tukso ng karamihan na baka ang ending ay sila pa rin ang magkatuluyan.

Posible naman daw iyun say ni Jennylyn pero sa ngayon ay wala raw sa isip niya ang ma-in love muli dahil mas naka-focus daw siya sa anak niyang si Alex Jazz.

Siya nga pala, ayaw nang mag-comment ni Jennylyn sa ilang beses nang nauunsyaming launch ng coffetable book nito.

Dapat ay ilu-launch daw ito sa birthday ni Alex Jazz, pero nagkaproblema na naman at ayaw na raw niyang alamin kung ano ito.

Bahala na raw kung mailalabas pa ito o hindi. Napagod na raw siya sa kapu-promote na lalabas na pero wa pa rin kaya hinayaan na raw niya ito sa manager niyang si Becky Aguila sa mga nag-aayos ng publishing nito.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING