Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!

ADVERTISING

Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!

Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!HINDI KAMI close kay Iwa at hindi rin namin siya madalas ma-interview dahil mailap nga siya sa media lalo na noong nakaraang taon dahil sa maraming isyung kinasasangkutan niya.

ADVERTISING

Pero nitong nakaraang Biyernes, unti-unti naming nakilala ang totoong Iwa. Dumalaw siya sa programa namin sa radio sa 92.3 NewsFM kasama ang kanyang manager. Isang kaswal na usapan ang naganap between Iwa, Nanay Cristy Fermin, Richard Pinlac at Elmer Reyes kasama ang inyong lingkod sa may lobby ng TV5.

Hindi naman ganu’n katagal ang aming pag-uusap, kahit papa’no ay nalaman namin ang damdamin niya.

Noong araw ring ‘yun, sumalang siya sa Wil Time Bigtime bilang guest co-host. Pero isang magandang balita ang nakarating sa kanya. Pagkatapos kasi ng programa, marami ang humanga at nagkagusto sa kanyang galing sa pagho-host kahit parang impromptu ang naganap na pagsalang sa kanya. Magiging regular guest co-host na siya ng show.

ADVERTISING

At nang makausap namin si Iwa, kinumusta namin ang magandang balitang ito sa kanya. Walang ibang masabi ang dalaga kundi pasasalamat sa magandang break na ibinigay sa kanya ni Kuya Wil. Pagbubutihan daw niya ang kanyang gagawin upang masuklian niya ang tiwala ni Willie Revillame.

Second wind na raw kasi ito ng kanyang karera na naapektuhan ng usapin sa lovelife last year. Breadwinner si Iwa at kailangan niyang kumayod para sa kanyang pamilya.

Goodluck girl, alam naming kaya mo ‘yan!

 

HALOS LITERAL na buong araw naming kasama noong Sabado, January 14, ang international singer na si David Archuleta. Kami kasi ang naka-assign sa kanya upang i-cover ang buong araw niya para sa Paparazzi Showbiz Exposed na umere kahapon.

Napaka-cool ni David kahit talagang punung-puno ang schedule niya. Nagsimula sa pictorial, then sa plug shoot then recording.

Walang bakas ng kapaguran sa mukha ang aming napansin sa American Idol alumni at game na game ito sa lahat ng ipinagawa ng director.

At hindi ito nahihiyang magtanong kung ano ba ang tamang atake sa kanyang gagawin. Feeling namin, Pinoy na Pinoy si David dahil kahit ang themesong nitong ‘Nandito Ako’ ay Tagalog na Tagalog niyang naawit.

Excited naman ang lahat sa pagsisilmula ng taping ng pinakabagong mini-serye ng TV5 na ‘Nandito Ako’ dahil maraming ‘recruits’ na matatawag ang kasama sa show. Una siyempre si David, then si Direk Mac Alejandre na pumirma na rin ng 4-year contract sa Kapatid Network, si Giselle Toengi na matagal nang nami-miss ng kanyang mga tagahanga at ang magaling na aktres na si Aiko Melendez.

Sa February 20, naka-takdang i-ere ang naturang mini-serye.

Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!

 

ESPESYAL ANG paghahandang gagawin ng TV5 para sa wedding coverage nina Konsehal Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo na mapapanood sa January 29, 2012 sa Paparazzi Showbiz Exposed.

Abangan!!!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING