Iwa Moto at non-showbiz BF, madalas mag-away sa set ng Darna! – Alex Brosas

ADVERTISING

Iwa Moto at non-showbiz BF,  madalas mag-away sa set ng Darna! - Alex Brosas

True ba itong nabalitaan naming madalas daw na mag-away si Iwa Moto at ang kanyang non-showbiz boyfriend?

ADVERTISING

Actually, wala namang issue sana at normal lang ang ganitong senaryo sa mga magdyowa. Ang problema lang, pati raw sa set ng Darna ay walang keber itong si Iwa na away-awayin ang kanya dyowa.

Ang tsika pa sa amin, imbes na matuwa si Iwa dahil dinadalaw siya sa set ng kanyang boyfriend, nauuwi raw sa away ang couple. Marami tuloy ang nakaka-observe na nawawala na raw sa mood ang aktres kapag nag-away na sila ng kanyang boyfriend. With this, apektado raw ang taping niya dahil nga wala na siya sa mood para magtrabaho.

Hindi naman nasabi ng aming source kung ano ang madalas pag-awayan ni Iwa at ng kanyang dyowa.

ADVERTISING

Isang aktres na kasama ni Iwa diumano ang nagkukuwento na madalas ngang mag-away si Iwa at ang kanyang non-showbiz boyfriend. Ang aktres na ito ay naging kontrobersiyal kamakailan dahil sa isang message niya na talagang pinag-usapan talaga sa showbiz at naging big issue.

Siya rin ang aktres na nagsabing kailangan ng isang sikat na aktres na matuto ng tamang pagbigkas ng mga salita.

Nagiging tsismosa yata ang aktres na ito.

SI MOTHER LILY pala ang kumumbinse kay Tim Yap na mag-showbiz na rin.

Kasama si Tim sa Mano Po 6 with Sharon Cuneta at Kris Aquino. Siya bale ang CEO ng kumpanya na mag-i-introduce kina Kris at Sharon sa movie.

“Kinukulit ako ni Mother.Sabi ko, siguro panahon na. It’s a no brainer. Si Kris at si Sharon pa ang kasama ko sa eksena,” tsika ni Tim.

Naging aktibo si Tim sa pagtulong sa Ondoy victims through his Hoy! Hoy! Ondoy! fund-raising concert na nakalikom ng mahigit isang milyong piso. May commercial din siyang lalabas sa National Geographic kung saan he’s appealing to people around the world to help victims of Ondoy. Kasama niya sina Heart Evangelista at Bianca Gonzalez sa nasabing commercial.

BLIND ITEM: MASELAN pala ang showbiz couple when it comes to their children.

Hindi raw kasi pinahahawakan ng mag-asawa ang dalawa nilang anak na lalaki sa kanilang kasambahay. Ingat na ingat daw ang magdyowa sa kanilang mga supling kaya ayaw nila itong madapuan man lang ng kamay ng kanilang katulong sa bahay.

Kapag nasa bahay, ang mag-asawa ang talagang nag-aasikaso sa pangangailangan ng kanilang mga anak. Ito na ang kanilang nakaugalian simula noong maging magdyowa sila.

Noong mga baby pa nga ang kanilang mga anak, ni hindi raw ito nahawakan man lamang ng mga kasambahay ng mag-asawa.

Ang no-touch drama ng magdyowang parehong nasa showbiz ay usap-usapan ng mga alalay ng mga artista.

Sino ang mag-asawang ito?

Well, ang isa ay kapatid ng isang TV host-actress na mataray ang dating. Kikay na kikay ito at magaling makisama sa showbiz. Ang lalaki naman ay dating singer na ngayon ay nag-aartista na rin. For a time, naging sikat siyang mang-aawit sa bansa.

Gets n’yo na? Kung hindi pa, tawagin n’yo ang inyong sister! ‘Yun na!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING