Iwa Moto and non-showbiz boyfriend, break-up… again?!

ADVERTISING

 Iwa Moto and non-showbiz boyfriend, break-up… again?!

 Iwa Moto and non-showbiz boyfriend, break-up… again?! ANG DAMING BREAK-UP na kuwento nga-yon, ha!

Ang latest na pinag-uusapang break-up itong kina DJ Mo Twister at Rhian Ramos.

Kaya nalaman dahil sa Twitter na naman day! Kasi naman, puwede naman silang magtalo sa text o magtawagan, bakit sa Twitter pa na nakikita ng lahat. Tuloy, mabilis na kumalat at pinag-uusapan na ngayon. Hindi raw pumasok si DJ Mo sa radio program niya at sa Juicy dahil todo-emote ito sa break-up nila ni Rhian.

Si Rhian naman, tuloy ang trabaho at nag-taping pa nga siya sa In the Limelight pero hindi ito nagpa-interview.

ADVERTISING

Ewan ko lang si DJ Mo kung magsasalita ito sa programa niya dahil tiyak na pag-uusapan ito ng mga co-host niya.

Pero mahirap itong sagutin dahil hindi naman sila umamin sa publiko sa tunay nilang relasyon. Kaya pinatatahimik na nga lang ito ni Rhian at hayaan na lang daw na mamatay ang isyu.

‘Yun naman talaga ang pinakatamang gawin nila, ang manahimik!

ANG ISA PANG break na naman daw, itong si Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan.

Siyempre sa Twitter na naman nalaman!

Ewan ko kung nagli-live in sila, pero nagtu-tweet daw si Iwa na nagpapatulong kung saan siya makakahanap ng apartment na malapit o sa mismong Quezon City na.

Hay, naku! Ang babata pa ng mga artistang ito kung anu-ano na’ng napagdaanan nila.

Ito namang sa isyu ni Iwa, parang hindi na bago ang break-up nila dahil nangyari na ‘yan noon at nagkabalikan din.

Ewan ko lang ngayon kung maaayos pa dahil super-emote din ito sa Twitter account niya.

Sinabi pa niyang magsasalita na raw siya at wala raw makakapigil sa kanya. Abangan n’yo na lang sa Startalk, kung magsasalita na uli itong si Iwa at kung makikipagbalikan pa ba siya sa boyfriend niya.

MABUTI PA SI Katrina Halili, talagang ayaw munang ma-in love sa ngayon dahil alam naman daw niyang hindi siya makapag-concentrate sa trabaho kung may boyfriend ito.

Pagkatapos daw nang napagdaanan niya, mabuting mag-focus na raw muna siya sa trabaho, sa pamilya at mga close friends niya. Itinatanggi rin nitong nakipagbalikan siya kay Kris Lawrence, pero friends pa rin daw sila.

Busy na lang ngayon si Katrina sa ta-ping ng Munting Heredera na magsisi-mula na sa Lunes pagkatapos ng Captain Barbell.

Kontrabida na naman siya rito dahil dito na siya nalilinya. Pero wish pa rin ni Katrina na sana makagawa raw siya uli ng ibang project na hindi naman siya kontrabida.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING