Iwa Moto and Janna Dominguez is hostile with each other because of Mickey Ablan

ADVERTISING

Iwa Moto and Janna Dominguez is hostile with each other because of Mickey Ablan

Iwa Moto and Janna Dominguez is hostile with each other because of Mickey AblanIN FAIRNESS, ANG daming pinasaya ni Manny Pacquiao sa bagong primetime game show niyang Manny, Many Prizes na nagsimula nu’ng nakaraang Sabado.

Hindi nga lang ma-accommodate ng AFP Theater ang lahat ng dumagsa sa GMA-7 para kumuha ng ticket kaya hinati-hati nila ‘yun sa mga susunod na Sabado.

Nakakaloka nga nu’ng nakaraang linggo, punung-puno ng mga tao ang labas ng GMA-7 para makakuha lang ng ticket.

Ang daming hinimatay na ang karamihan du’n nakita ko ring nakatambay sa Wil Time Bigtime.

ADVERTISING

‘Yung nakapasok nu’ng nakaraang Sabado, halos tatlong araw raw silang naghintay sa GMA-7 para makakuha lang ng ticket.

Lahat ng nasa audience nu’ng Sabado, hindi umuwing luhaan at talagang namigay sila ng bonggang-bonggang pera, ha!

Kahit mga talunan, nakakatanggap ng 30 thousand pesos.

Ang huling winner na kahit hindi niya nakuha ang jackpot ibinigay na rin sa kanya ang house and lot.

Nakakaawa nga ‘yung mag-asawang taga-Payatas dahil nakikitira lang daw sila, at kaka-stroke lang nu’ng matanda.

Hindi raw niya alam kung paano magpasalamat kay Manny dahil sa napakalaking tulong sa kanila.

Sabi naman ni Manny, talagang ipapamigay raw nila ang mga premyo, dahil ‘yun naman daw talaga ang pakay niya sa show na ‘yun, makatulong sa mga nangangailangan.

Kaya abangan daw ang mas marami pang premyong i-pamimigay nila sa mga susunod na episode.

 

NAKAKALOKA RAW ANG drama nina Iwa Moto at Janna Dominguez nu’ng nakaraang victory party ng FHM Sexiest Women of the World na inabangan ng mga reporters.

Siyempre ang lalaki ang pinag-awayan nila, ha!

Ang gaganda ng mga babaeng ito, parang nauubusan ng lalaki na pag-aawayan pa nila si Mickey Ablan.

Nu’ng mga nakaraang event ng FHM, si Iwa pa ang binabantayan nitong Mickey, pero ngayon si Janna na kaibigan din ni Iwa.

Ang kuwento ng Startalk reporter namin, hindi raw nagpapansinan doon sa FHM victory party sina Iwa at Janna.

Sabi naman daw ni Janna, mabuti na raw ang ganu’n para walang gulo. Mas mabuting wala na lang munang may magsasalita sa kanila at relax lang daw muna silang dalawa.

Kahit itinatanggi ni Janna na sila na ni Mickey, obvious namang may relasyon na, dahil lagi na nga silang magkakasama at nakikita naman daw sa mga tweet nila.

Si Iwa naman ay parang may nakita na rin yatang kapalit na kasama rin daw niya roon sa FHM.

Pero kuhang-kuha ng Startalk na magkasama sina Mickey at Janna sa kotse.

Bago sumakay si Janna, dumaan si Iwa at hindi nito pinansin si Mickey.

Hinabol pa nga ng Startalk si Iwa pero hindi ito nagpa-interview. Kaagad niyang pinaharurot ang kotse niya.

Tumanggi si Mickey na magsalita pero hindi maitatangging sinundo nga niya roon si Janna at sila na.

Sabi naman ni Janna, mukhang doon na raw sila patutungo pero ayaw pa raw niyang sabihin officially.

Dati ngang close na close ang anak ni Mickey kay Iwa, pero ngayon kay Janna na.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING