Ivana Alawi, Tony Labrusca at Donny Pangilinan pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

ADVERTISING
Leo Bukas

OPISYAL nang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry: Ivana Alawi, Tony Labrusca at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakaraan.

Ani Ivana, na kasalukuyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano, “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun.” Pumirma rin ng kontrata si Ivana sa Star Cinema at sa Star Music.

ADVERTISING
Ivana Alawi, Tony Labrusca at Donny Pangilinan pumirma ng kontrata sa ABS-CBN
Ivana Alawi

Samantala, nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny Pangilinan ukol sa mga proyektong kaniyang ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release na kaniyang inilarawan bilang “naiiba sa kaniyang mga nailabas noon.”

Nang tanungin tungkol sa genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, action ang unang lumabas sa bibig ng aktor.

Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto; ilan lamang ito sa mga proyektong nakahain ngayong 2020 para sa aktor na si Tony Labrusca.

ADVERTISING
Ivana Alawi, Tony Labrusca at Donny Pangilinan pumirma ng kontrata sa ABS-CBN
Tony Labrusca’s contract signing with ABS-CBN

Nang tanungin kung magiging kasing “glorious” ba ng kaniyang proyekto kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino ang kaniyang inihahaing palabas kasama si Julia, sagot ni Tony, “Makikita niyo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng films productions na si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN music na si Roxy Liquigan, head ng treasury na si Rick Tan, head ng finance operations na si Catherine Lopez, at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

 

ADVERTISING