SWAK SA MGA BARAKO: Ivana Alawi, 2021 Calendar Girl ng Tanduay!

ADVERTISING

WOW! Sigurado kami na marami ang matutuwa sa balitang napili na ang hot and sexy Pinay calendar girl para sa 2021 ng Tanduay. ‘Yan ay walang iba kundi si Ms. Ivana Alawi!

Sure na sure na excited na ang mga barakong nagpapantasya sa sexy actress na ito. Sa katunayan, hindi na kami surprised na siya ang napisil na maging calendar girl dahil fit na fit ito para sa kanya. Maliban sa maganda at sexy, wala rin itong kiyeme sa pagpapakita ng kanyang alindog at palaban din sa buhay! Mas magtataka kami kung walang kumuha sa kanya, noh!

ADVERTISING
SWAK SA MGA BARAKO: Ivana Alawi, 2021 Calendar Girl ng Tanduay!
Ivana Alawi 2021 Tanduay Calendar Girl

Isang modern independent woman ang Pinay-Moroccan beauty na ito. Sa kanyang sariling social media account ay walang inhibitions ito sa pagpapasilip ng kanyang klebang at bootylicious booty. Sa mga nasilip namin na calendar layouts ay mukhang in-apply din niya rito ang kanyang pagiging fierce model. Suwerte ng mga makakakuha ng kalendaryong ito dahil sulit na sulit ang mga larawan ng aktres with her seductive yet classy poses.

Naalala namin tuloy ang ilan sa mga palaban na sexy stars noong 90’s na walang kiyeme sa pagpapaseksi. Aminin natin – mas tamed ang mga naging past Tanduay Calendar Girls in the recent years tulad nina Barbie Imperial (2020) at Bela Padilla (2019).

Abangan niyo na ang paglabas ng limang layouts ng 2021 calendar ni Ivana dahil siguradong magkakaubusan. Masayang kolektahin ito lalo na kung big fan ka ng dalaga.

ADVERTISING

Speaking of, nakakatuwa si Ivana dahil dumalaw siya mismo sa Isabela/Cagayan para mamigay ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Hindi lang ito basta seksi – bongga rin ang malasakit sa kapwa. Mabuhay ka and may we all have a better 2021!

ADVERTISING