Ivan Dorschner, Early Favorite sa Bahay ni Kuya!

KABUBUKAS PA LANG ng PBB Teen Edition e, kanya-kanya na agad na bet ang mga tao kung sino sa tingin nila ang magiging big winner at magkakaroon ng karera paglabas ng Bahay ni Kuya. In fairness kay Ivan Dorschner, ngayon pa lang e, marami na ang may gusto sa kanya at mukhang siya na nga ang magiging parang “Sam Milby” ng edition na ito.

Kanya-kanya na ngang claim-to-fame ang mga programang unang nilabasan ni Ivan. Pati sina Pokwang, Mariel at ibang staff ng Wowowee ay proud na proud na makita ang kanilang dating contestant lang na ngayon ay housemate na sa Bahay ni Kuya. Pati ang video ng kanyang pagiging audience sa Showtime ay kalat na rin sa internet. Nag-guest din si Ivan sa Us Girls noon at siya pa ang naging model ng lifestyle show nang pag-usapan ang tungkol sa mga summer boardshorts for men.

Hindi na nga kami magtataka kung siya ang pinakamalayo ang marating sa batch na ito ng PBB dahil siya ‘yung may instant appeal agad sa TV. Pati mga artista sa kanilang mga Twitter accounts ay nagparating na ng kanilang pagkagusto sa teen housemate. Iba raw talaga ang dating ng kaguwapuhan nitong si Ivan.

Exciting ang house ngayon ni Kuya. Sa katunayan, isang araw bago pormal na magbukas ang PBB house ay naging housemate for a day ang inyong lingkod at ako mismo ang naka-experience ng ilang task na pinagawa sa amin ni Kuya. Exciting pala at kakaiba ang feeling ‘pag narinig mo na si Kuya na nagsasalita. Parang nakakakaba na nakaka-excite. Pati ang house ni Kuya ay maganda rin. Nag-stay kami sa “Villa”, ang isa sa dalawang house ni Kuya. Maganda ang Villa dahil kumportable ang mga kama at kuwarto, maganda ang mga amenities sa loob, may mini-gym pa, at naroon din ang pool! Hindi namin nasilip ang kabilang bahay na wala palang masyadong laman sa loob. Kaya ang mga housemates doon, kasama na si Ivan, ay sa banig natutulog!

Abangan pa natin ang ilang mga eksenang magaganap sa PBB sa mga susunod na araw. Dahil nga sa summer edition lang ito, pihadong fast-paced at talaga namang to-the-extreme ang mga tasks na ipagagawa ni Kuya sa kanyang mga boarders!

MAMAYANG GABI, 9 P.M. isa na namang exciting na episode ng Us Girls ang inyong matutunghayan. Nahuli ng kamera ang ilang mga artistang magkakapareho ang suot. At tinanong namin sa mga viewers kung sino sa tingin nila ang mas binagayan ng suot? Sino kina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Melai Cantiveros, Anne Curtis, Georgina Wilson, Angelica Panganiban, Ruffa Gutierrez ang magtatapat-tapat? Sino ang mas nagdala ng damit? Sino ang mas umangat sa lahat? Ito ang fashion face-off na hindi n’yo dapat palampasin!

At si Paul Jake at Hermes ng PBB Double Up ay bumisita sa Us Girls at nagtapat kung sino ang mas sexy sa kanilang dalawa! Magkakaalaman na mamayang gabi na ‘yan sa Studio23!

MGA PREDIKSIYON NAMAN sa nalalapit na eleksiyon ang matutunghayan sa The Bottomline with Boy Abunda. Ang Feng Shui expert na si Maritess Allen ang magbabasa ng kapalaran ng Pilipinas sa darating na eleksiyon! Ito ba ay magiging maayos at matahimik? O makararanas tayo ng kaguluhan? At sino sa mga presidentiables ngayon ang mapalad at masuwerte? Sino ang malas? At sino ang mananalo? Ang mga kasagutan ngayong Sabado na, pagkatapos ng PBB Teens Clash Edition!

Pinoy Parazzi News Service

Previous articleClickadora: Ang Panunukso ni Maja Salvador!
Next articleMarian Rivera, ayaw patulan ang ‘anak issue’!

No posts to display