Ivan Dorschner, balik-showbiz matapos mangibang-bansa

ADVERTISING

Ivan Dorschner, balik-showbiz matapos mangibang-bansa

Ivan Dorschner
Ivan Dorschner

Back to showbiz ang ex-Pinoy Big Brother Teen housemate na si Ivan Dorschner matapos mag-lie low at iwan ang showbiz for awhile at manirahan sa Los Angeles, California, USA.
Ngayon nga raw, naka sign-up na si Ivan sa isang malaking management at nag-a-undergo ng acting workshops bilang preparations na rin niya sa mga proyektong gagawin.
Na-miss daw ni Ivan ang showbiz kaya raw nagdesisyon na muling subukan ang kanyang suwerte rito. At sa tulong ng kanyang showbiz friend na kumumbinsi sa kanyang balikan ang pag-aartista, may bago na siyang management.
Mas matured at mas seryosong Ivan daw ang mapanonood ng kanyang supporters sa kanyang pagbabalik. Tsika nga ng mga kapatid sa panulat na nakakita sa kanya, malaki na nga raw ang ipinagbago ni Ivan ngayon na mas gumuwapo at mas maganda ang katawan.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING