IT’S TIME: Janella Salvador ipinasilip na ang kanyang anak

ADVERTISING

ISA nang ganap na ina ang Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Ilang buwan na rin naging usap-usapan sa showbiz at social media ang pagbubuntis at panganganak diumano ni Janella Salvador sa United Kingdom, ang home country ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson.

ADVERTISING
IT'S TIME: Janella Salvador ipinasilip na ang kanyang anak
Janella Salvador and baby

Noong Setyembre ay inamin ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng sweet video at photo nila sa kani-kanilang Instagram accounts. Lalong lumakas ang usap-usapan na nagdadalang-tao si Janella dahil na rin sa paglipad papunta ng UK ng kanyang Ina na si Jenine Desiderio at ng kanyang nakababatang kapatid. Nagpost din si Markus ng isang Instagram update noong Oktubre na tila nakahiga sa isang hospital bed ang isang babae na inassume ng netizens na si Janella.

Walang warnings or anything, biglang nagpost si Janella ngayong January 5 ng hapon, ng kanyang larawan kasama ang isang bata na partly hidden ang mukha.

“It’s time. 8 pm. Link in bio.” simpleng caption ni Janella sa kanyang latest photo update.

ADVERTISING

Ibig sabihin, ngayong 8 PM ay nakatakda nang magsalita si Janella tungkol sa little one nila ni Markus. S’yempre, excited ang loyal fans ng dalaga at marami rin ang curious kung ano ang magiging next step ng magnobyo. Ikakasal na ba sila? Ano na ba ang showbiz plans ni Janella, na isa sa rising stars ng Kapamilya network at ni Markus Paterson na ngayon pa lang nakikilala sa showbiz? Sa UK na ba sila maninirahan? Are they quitting showbiz to focus on family life?

Anuman ang kasagutan nina Janella at Markus, aabangan namin ‘yan! All we wish for the two (or three) is safety and happiness ngayong 2021!

 

ADVERTISING