It’s Showtime, kinawawa ng Eat Bulaga dahil sa AlDub

It’s Showtime, kinawawa ng Eat Bulaga dahil sa AlDub

Yaya-Dub-Alden-RichardsNAPAG-IIWANAN NA talaga ang It’s Showtime ng Dos. Nilubog na sila sa putikan ng Eat! Bulaga. Wala silang binatbat, pinakain sila ng alikabok at iniwan nang milya-milya.

Nakakaloka na nag-one digit na lang ang rating ng Its Showtime. Nakakuha ito ng 8.8% rating, talagang kinawawa sila ng Eat! Bulaga na nakakuha ng 32% rating.

Ipinaghampasan ng AlDub ang noontime show ng Dos. Click na click ang kanilang kalyeserye. Sa mga mall kung saan may TV, sa mga schools ay pinapanood kapag tanghali ang AlDub romantic saga. Kilig na kilig ang fans sa kanila.

Ang mas nakakaloka, pati ‘yung nagbebenta ng magic black box ng Dos ay nakunan ng picture na pinanonood ang AlDub sa Eat! Bulaga.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas