IT’S OFFICIAL: Sunshine Dizon, certified Kapamilya na!

IT’S OFFICIAL: Sunshine Dizon is now a Kapamilya!

Hindi na lang basta tsismis ito dahil ang presence ng award-winning actress sa katatapos lang na virtual media con para sa upcoming TV series ng Kapamilya network na ‘Marry Me, Marry You‘ ay pormal na ipinakilala na ito.

IT'S OFFICIAL: Sunshine Dizon, certified Kapamilya na!
Sunshine Dizon

Sa lahat ng natsikang Kapuso talents na lilipad sa kabilang bakod ay kay Sunshine Dizon nabigla ang mga tao. Maliban sa pamamalagi sa GMA sa loob ng 25 years at consistent toprating shows na siya ay bida, nakakapagtaka na hindi ni-renew ang kontrata niya. S’yempre, when a good offer comes from another network, might as well take it, ‘diba?

Makakasama ni Sunshine Dizon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, na coincidentally ay mga former Kapuso talents din. Ten years na sa bakuran ng Dos si Paulo habang si Janine ang unang Kapuso turned Kapamilya this year. Ka-join din sa bagong programang ‘Marry Me, Marry You’ sina Cherrie Pie Picache at Vina Morales. Bongga, ‘diba?

IT'S OFFICIAL: Sunshine Dizon, certified Kapamilya na!
Sunshine Dizon

Marami ang nagsasabi na sa wakas ay makukumpleto na ang mga sang’gre ng Encantadia. This time ay sa kaharian na ng ABS-CBN na kahit na wala pa rin prangkisa ay patuloy pa rin sa pagprodyus ng dekalidad na teleserye sa telebisyon at sa digital. Matagal na rin sa bakuran ng Dos sina Iza Calzado at Karylle. Si Diana Zubiri naman ay isang freelancer at nakafocus sa kanyang bagong baby. Hindi na kami magtataka kung soon ay magkakaroon muli ng reunion project ang apat na aktres.

Expected din na maraming Kapuso viewers ang may mixed sentiments sa drastic career move ng itinuturing na isa sa top raters ng network, but work is work. We just wish Sunshine Dizon all the best! Kung may wishlist man kami, sana ay mas magkaroon pa ito ng movie projects. It’s never too late naman, ‘diba?