IT’S OFFICIAL: Alex Gonzaga at Mikee Morada, kasal na!

KASAL NA sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Ito mismo ang kinumpirma ng newly-married couple sa latest vlog update ni Alex sa kanyang YouTube channel. Maraming followers na ang nagdududa kung kasal na ang dalawa dahil naiispatan sila ng netizens with their wedding rings.

Naganap ang kasal noong Nobyembre sa mismong bahay ng mga Gonzaga.

IT'S OFFICIAL: Alex Gonzaga at Mikee Morada, kasal na!
Mikee Morada and Alex Gonzaga

“Kinasal na po kami. Isa na po akong maybahay at isa na po akong wife,” masayang pagkumpirma ni Alex habang katabi ang kanyang mister. Sinabi rin nito na pinili niya munang ilihim ang importanteng kaganapan sa kanyang buhay para  “celebrate it together as a family muna.”

 “And syempre, alam namin yung timing din. Saka alam namin na may pandemic. We just wanted to keep it to ourselves for a little while.”

“Masaya kami. Alam ko na OA, pero masaya. Happily married kami, guys.”

In true Alex G fashion, humirit pa ito na, “Finally nakakatabi ko na siyang matulog. Nakakatulog na siya sa kwarto ko!”

Inamin din nina Mr. and Mrs. Morada na isinagawa nila ang kasal na ito para sa kanilang mga magulang.

“Kasi, syempre, yung nangyayari ngayon, it’s very uncertain. Hindi natin alam kung kailan matatapos yung pandemic. So syempre, gusto namin to seal the deal na andito kaming lahat, andito tayong lahat, nakaka-celebrate,”

“Okay, fine, aminin ko na. Gusto ko na kasi siyang makatabi sa kama. Pero ayaw pa ng mommy at daddy ko. So sabi ko, ikasal na lang. So ngayon, okay na!” pabirong banat ni AG.

On a serious note, ibinunyag din ni Alex na lahat ng gusto niya for her ideal partner ay natupad lalo na pagdating sa ‘right timing’.  “Kung ano yung request ng mga magulang ko, ginalang ni Mikee and nirespeto namin.”

Gusto rin ng newly-married couple na magkaroon ng mas bonggang kasal sa susunod na taon.

Sa Twitter naman ay pinatulan ni Alex ang tweet ng isang parody account ni Mommy Pinty at sinabi nito na ‘naputukan’ na siya ni Mikee. Nakakaloka! Ha-ha-ha!

Congratulations to Mikee and Alex! Nawa’y gabi-gabi ay magputukan kayo! Ha-ha-ha!