IT’S A BOY! Andi Eigenmann, nanganak na

NANGANAK NA sa kanyang ikatlong supling si Andi Eigenmann.

Ito ang kinumpirma mismo ni Andi sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong January 18. Sa isang larawan kasama ang kanyang current partner na si Philmar Alipayo at kanyang newborn baby ay nagbigay ng pasasalamat ang aktres.

IT'S A BOY! Andi Eigenmann, nanganak na
Philmar Alipayo and Andi Eigenmann with their Baby Boy

“We did it again Papa! This journey was more of a breeze with you by my side,” 

Dagdag pa niya, “Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”

Sa kanyang sariling Instagram account din ay nagpahayag ng kanyang appreciation sa kanyang maybahay si Philmar.

“Thanks for bringing our boy to this world! I am very proud of you mahal ko ♥️ you are the strongest person i know!” Philmar wrote.

Sa totoo lang, ang happy lola na si Jaclyn Jose ang unang naghayag ng panganganak ni Andi sa kanyang Instagram account.

“Congratulations anak for having a succesful delivery to our newest member of the family. Bouncing healthy baby boy,”

Nanganak si Andi Eigenmann sa kanyang Baby Boy noong January 17 ng umaga.

Noong nakaraang buwan ay inanunsyo nina Andi at Philmar na sila ay engaged na.

Congratulations to Andi and Philmar!