Itinatakwil na raw nina Daisy Romualdez at Manny Paner Danita Paner,
bastos at walang utang na loob?!

<b>Itinatakwil na raw nina Daisy Romualdez at Manny Paner  Danita Paner</b>,<br> bastos at walang utang na loob?!

<b>Itinatakwil na raw nina Daisy Romualdez at Manny Paner  Danita Paner</b>,<br> bastos at walang utang na loob?! OLA CHIKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Bonggang-bonggang eksenador at talaga namang walang katapusang mabubuwang ka sa Earth!

Kasi ba naman, nu’ng Linggo, pagkatapos ng program ko sa DZRH.TV, dumating ang kumareng Virgie Balatico sa station. Una, kumustahan at kung nagkita na raw kami ng kumare naming si Imelda Papin, kasi nandito na raw at panay ang show. Last daw na show niya, sa San Jose del Monte City sa Bulacan, kasi may bahay siya roon, at balak yatang kumandidato si Imelda Papin as congresswoman sa nasabing lugar.

Anyway, pagkatapos ng kumustahan, ayun nga, litanya niya tungkol kay Danita Paner na mabait daw kuno sa TV, pero sa personal, nagsabog ang Panginoon ng kasamaan sa mundo at sinahod ng batang ito.

Nakikinig lang ako, kasi hindi ko naman ito kilala personally. At biglang nakisali si Morly Alinio na wala na raw project ang batang ito sa TV5, at hiwalay na raw ito sa ka-live-in na si Kean Cipriano, ang dating papa ni Alex Gonzaga.

Heto na ang litanya ni Mareng Virgie. Una, nu’ng birthday raw nito, dumating ang isa sa matalik na kaibigan ni Daisy Romualdez at binigyan pa ng datung si Danita. Nakalagay sa sobre na 10k ang laman. Ngayon, nakiusap yata ito kay Daisy na magsagala somewhere in Bataan na may TF na 50k. Ayun, pumayag si Daisy alang-alang sa matalik na kaibigan, at wala namang commitment itong si Danita.

Kumustahin mo? Nu’ng araw na ng sagala, tumawag yata si Annabelle Rama, na hanggang ngayon ay manager pa raw  ni Danita, na hindi matutuloy kung hindi 80k ang TF. Ayun, kinagabihan, karay-karay ni Danita ang kanyang mga friend na non-showbiz sa isang gimikan, kaya halos matunaw sa kahihiyan si Daisy.

Pangalawa, birthday ng kanyang father na si Manny Paner, dumating ang mga kaibigan ni Daisy – sina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro at Divina Valencia, mga movie press – at dumating si Danita na kasama na naman ang mga barkadang non-showbiz. Umakyat sa taas nang hindi man lang nagbigay-galang sa kanila at hindi man lang bumati sa kanyang ama.

At nu’ng kantahan na, halos lahat ay kumanta. Nu’ng nag-request ang birthday celebrant na si Manny Paner na paunlakan man lang ni Danita na kumanta, ayun, parang walang narinig. Marami ang nakapansin sa nangyari na parang napahiya si Manny paner sa inasal ng kanilang ampon. Kaya kinabukasan, nagpahayag si Daisy at pumayag naman si Manny Paner na ‘wag nang gamitin ang Paner at Gomez na apelyido nila, kasi ayaw na nilang maging ampon ang isang engratang si Danita.

Nagtanong ako kay Mareng Virgie na kung sa palagay ba niya, hindi kaya nasusulsulan ito ni Annabelle? Kasi ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Daisy at Annabelle nu’ng sabihin ni Annabelle na bumagsak daw ang career ni JC de Vera kasi hinila pababa ni Danita. Ayun, nag-alimpuyo sa galit si Daisy at ipinagtanggol ang kanyang anak-anakan.

Buo na raw ang isip ng mag-asawa na pababayaan na nila itong si Danita, kasi sobrang tigas ng ulo. Baka raw nagda-drugs na ito. At kaya pala napunta sa kanila si Danita, iniwan lang sa kanilang pinto ang sanggol at hindi alam hanggang ngayon kung sino ang ina ni Danita.

Sabi ko kay kumareng Virgie, sorry, hindi ko siya kilala. Pero ito lang ang masasabi ko kay Danita, wala siyang utang na loob. ‘Yun na!

 

ANOTHER CHIKKA na naman itong mas nakakaloka! Kumustahin naman natin itong nakawiwindang na tahasang sinabi ni Sharon Cuneta na wala siyang tiwala mismo sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan kung ito ang mag-eendorso sa kanya na kumandidato bilang senador.

Nu’ng sabihin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ini-endorso niya si Sharon bilang senador, walang kagatul-gatol na yes, as in yes talaga. At naging estudyante pala ni Sen. Miriam si Kiko na medyo nasa level lang ang talino. In short, hindi kumbinsido si Sen. Mir- iam sa talino ni Sen. Kiko. Mas pinapaboran pa niya si Sharon, kasi parehas daw silang magbasa ng libro, kaya waiting galor tayo.

Kasi sa aking palagay, tatakbo sa Senado, kung hindi man ay mayor ng Pasay, itong si Sharon. Ang nakakaloka, dati-rati ay paiyak-iyak ang nakikita sa show niya, ngayon naman, tawa nang tawa, kahit hindi nakakatawa. Hahaha! ‘Di ba?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding