Itinanggi ang naganap na kasalan sa Argentina
Solenn Heussaff: Maghuhubad pa rin ako

ADVERTISING

<i>Itinanggi ang naganap na kasalan sa Argentina</i><br> Solenn Heussaff: Maghuhubad pa rin ako

Solenn-HeussaffSOLENN HEUSSAFF doused reports that she got married with her boyfriend of five years, Nico Bolzico.

“Ise-share ko lang (ang wedding details) kapag nangyari ang walking down the aisle. Hindi pa nangyari ‘yan, matagal pa ‘yan,” say ni Solenn Heussaff bilang reaction sa chikang nagpakasal siya sa kanyang boyfriend sa Argentina before New Year.

Ito kasing si Isabelle Daza na best friend niya ay nag-post ng isang Snapchat photo at nilagyan ito ng  caption na “Mr. and Mrs. Bolzico.”

“Loka-loka ‘yang si Isabelle,” say ni Solenn na pinanindigang “celebration” at hindi kasal ang nangyari sa Argentina.

ADVERTISING

“Parang we just celebrated in Argentina kasi hindi ko nakita ‘yung mga parents ni Nico in two years. So ‘yun, since the engagement wala pang anything. Celebration lang,” say niya sa presscon ng “Lakbay2Love”, isang advocacy film na idinirek ni Ellen Ongkeko Marfil.

“Ikakasal ako sa France in the future. Hindi, hindi right now. Single ako, technically, Heussaff ako,” paglilinaw pa ni Solenn na nagsabing hindi niya iiwan ang showbiz kahit na magpakasal siya kay Nico later this year.

“Maghuhubad pa rin ako,” she joked.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING