Isko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

ADVERTISING

Isko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

Isko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

OFFENDING ‘YONG statement ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa aktor na si Cesar Montano nu’ng maglabasan ang balita na magiging running mate ni Manila Mayor Alfredo Lim si Buboy na puwedeng maging scholar ni Vice Isko si Cesar kung sakaling hindi ito tapos sa pag-aaral.

Tila naging personal ang atake ni Vice Isko kay Cesar nang maglabasan ang balita na if ever tanggapin ni Cesar ang posisyon as running mate ni Lim, direktang katunggali ni Vice Isko si Buboy come May 2013.

Sa mga hindi nakakaalam, Lyceum of the Philippines graduate si Cesar. Sa katunayan, noong nasa kolehiyo pa lang ito at nagsisi-mulang pasukin ang showbiz, nakikita namin siya sa Kalye Aduana kung saan palagi ka-ming naroroon ng kaibigang Jobert Sucaldito sa Intramuros during school days in the early 80’s, kung saan may dinadalaw kaming mga kaibigan kapag napapadpad naman kami sa Metropolitan Theatre para dalawin ang long-time friend namin na si Kuya Boy Abunda noon na publicist ng MET during the 80’s.

ADVERTISING

In bad taste ang paglabas ng statement ni Vice Isko para kay Buboy. May tonong insulto para sa aktor.

Pero hindi na nag-react si Cesar dahil edukado, tumahimik na lang ito.

Pero from a source, is it not true na ang sinasabing pag-aaral ni Vice Isko sa Harvard University ay hindi isang full course on Public Administration but two weeks certificate course lang na hindi naman talaga masasabing “ Educated in Harvard” ang dapat na imahe o itawag sa Vice Mayor ng Manila?

GELLI DE Belen is still a fulltime mom sa dalawang binatilyo nila ng mister na si Ariel Rivera.

Last Friday kung saan isa siya sa mga guest judge sa Artista Academy, she told us na hatid-sundo pa rin niya ang mga anak nila na nag-aaral sa Ateneo Grade School.

Sa mga hindi nakaaalam. Walang kasambahay sina Gelli at Ariel. Both of them ang gumagawa ng gawaing bahay at sa pagpapalaki ng mga anak nila kahit noon pa man.

Siya mismo ang naghahantid sa mga bata kahit daily ang show niyang Face to Face na pansamantala ay ipinaubaya ng Kapatid Network at ni T’yang Amy sa kanya.

Napanood namin si Gelay at aliw kami sa natural niyang reaksyon sa mga eksena habang nagbabangayan ang dalawang kampo na nagtatalo.

 

MUKHANG MAY ere na yata itong si Paulo Avelino.

Sa nakaraang press launch ng pinasosyal na “gay bar show”, ang Cosmo Bachelor Bash, after ng presscon, biglang kumaripas ng alis ang aktor at hindi man lang nagpaunlak sa presscon organizer na magpakuha ng group pictures kasama ang iba pang mga male celebrities na makakasama ni Paulo sa show.

Sabi ng ilang mga press na naroroon, takot daw ang aktor na mahalukay ng “tabloid media” ang tungkol sa balitang hiwalayan nila ng live-in partner na si LJ Reyes, bukod sa balitang hindi raw suportado ni Paulo ang anak nito sa Kapuso star.

By the way, sa naturang “pa-sosyal” na gay bar show A.K.A. Cosmo Bachelor Bash, off-limits daw ang mga tabloid media.

Hello!
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING