Isinuka na sa pinanggaling network, ‘di pa nadala: TV personality, isinisuka na rin ng home studio dahil sa work attitude!

FOR PURPOSES of misleading our subject’s identity ay hindi namin babanggitin ang kanyang kasarian.

Malapit nang buminggo ang TV personality  (TVP) na ito sa isang may mataas na puwesto sa programang kinabibilangan niya, sagad na rin kasi ang pasensiya ng huli sa work attitude ng bida sa kuwentong ito. Kung tutuusin, hindi na bago ang istorya tungkol sa quirks ng TVP, “isinuka” rin kasi siya ng kanyang pinanggalingang istasyon dahil sa kanyang maangas na ugali.

Ang nakapagtataka, this TVP had long travelled to a network na kumupkop sa kanya, and yet for several years now ay bitbit pa rin niya ang kanyang bagaheng punumpuno ng asal na ‘di kagandahan, yes, much to the dismay and disgust of his/her co-workers.

Based on numbers, however, walang kakampi ang TVP from amongst the staff. Hindi nakapagtataka kung isa sa mga weekend na ito ay hindi na mapapanood ang TVP, as sanctions against his/her unprofessional behaviour are in place which he/she so rightfully deserves.

Clue? Ayaw ni Bella Flores ng ganyan!

(By Ronnie Carrasco III)