ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko

ADVERTISING

ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko

ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko
John Lloyd Cruz having fun in their hotel room

KINONTRA ni Beauty Gonzales ang mga kuwento na naglalabasan na ikakasal na sina John Lloyd Cruz at ang girlfriend nito na si Ellen Adarna.

In short, kung todo deny ito sa mga mangyayaring kaganapan na ewan ko kung may punto or tama si Beauty.

Hot topic kasi ngayon ang “kasalan” ng dalawa sa socmed at maging sa showbiz na isa man sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa ay ayaw ikumpirma (kung may alam man sila) or hindi at haka-haka lang ang lahat.

Last night, sa isang IG posting, may nakuha si Lloydie na nagsi-ing-along  at ini-enjoy ang gabi habang nagre-red wine.

ADVERTISING

Next posting, heto na’t may isang video na ipinost ng isang kakilala  ng dalawa (or shall I say na alter ego ni Ellen) showing an elevated stage na sa harap ay rows of white chairs sa isang open space na tila kaharap ng dagat.

ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko
May kasalang Cruz-Adarna nga ba?

Ang short video clips ay may background ng ”Here comes the Bride…” song na gamit sa entrada ng bride na hinihuni lang sa background ng naturang video.

Ano kaya ang totoong sinasabi ng photos ni Lloydie at ang naturang video na kinunan namin ng picture?

ISINISIKRETO ANG KASAL: John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, binibitin ang publiko
John Lloyd Cruz having fun in their hotel room

Kasalan na nga ba talaga?

May nag-PM sa amin, nasa Shangri-la Boracay diumano ngayon ang mag-lovers.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING